Tuluy-tuloy sa mahabang pribadong daanan ang itim na Maybach ni Apollo pagkabukas na pagkabukas ng mataas na wrought iron gate, hanggang sa unti-unting bumagal ang takbo at tuluyan nang huminto sa tapat ng malaking bahay. Binuksan ni Ahtisa ang pinto ng sasakyan at bumaba na. Lumapat ang ilalim ng suot niyang sandalyas sa semento. Napasinghap si Ahtisa nang mapatingin sa malaking istrukturang nasa harapan niya. It’s a massive three-story house that screamed power and elegance. Monotono na mga kulay: dingding na kulay abo, matte na itim na akento, at malalaking bintanang salamin. Minimalistiko ngunit nakakaakit ang estilo. Ang disenyo ay moderno sa bawat detalye. Kahit na halatang hindi biro ang halaga sa pagpapatayo ng bahay na iyon, ay tila may kakaibang lamig naman ang bumabalot doon?

