CHAPTER 59

2631 Words

“I’m sorry, Apollo…” Nag-uunahan sa paglandas ang mga luha sa pisngi ni Elara. "I'm so sorry." Nagtagis lang ang mga bagang ng binata. “Bakit nagsisinungaling ka?” pasumbat nitong tanong sa dalaga. Malinaw na hindi nito nagustuhan ang ideyang humabi ng kuwento si Elara. “Dahil… dahil…” Mariin nitong nakagat ang ibabang labi, at napayuko. Panay ang pagpatak ng mga butil ng luha nito sa sahig. Sunud-sunod. Walang ampat. “Dahil inagaw ka niya sa akin! Siya ang babaeng tinutukoy mo, ’di ba? Siya ang dahilan kaya hindi mo na ako mahal ngayon!” hiyaw nito, sabay angat ng mukha, upang hulihin ang tingin ng binata. “Siya ang babaeng nilapitan mo, inangkin mo, at hinayaan mong makapasok sa mundo mo! Tama ako, ’di ba? Nakita ko kung paano mo siya titigan kanina sa function hall. Kahit na hindi siy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD