“Puwede mong ibenta itong bahay kung gusto mo,” suhestiyon pa nito sa kanya, tuwid ang ekspresyon ng mukha. Lumagatok ang mga bagang niya sa mariing pagkikiskisan. Hindi pa nakuntento at sinabi pa nitong pa-rentahan na lamang niya ang bahay kung ayaw niyang ibenta dahil gusto nitong ibalik sa kanya ang titulo ng propiedad. Why would she do that? Hindi ba ay sobrang saya nito noong unang beses niyang ipakita rito ang bahay na iyon? Matingkad pa rin sa alaala niya ang imahe ni Ahtisa habang nakangiti ito nang matamis at pinagmamasdan ang kabuuan ng bahay na iyon. She loved it. She loved the house so much. So why did she want to give it back to him now? At bakit parang ang dali lang para rito ngayong sabihing ibabalik nito sa kanya ang titulo ng bahay at ibenta na lang niya o hindi kaya a

