Pagbalik ni Apollo sa tabi ng kama ni Elara ay nakita niyang nag-iinit ang mga mata nito. Nag-aalalang napahawak siya sa magkabila nitong mga balikat. “What’s wrong? May masakit ba sa iyo? Ano ang problema? Tell me. Should I call the doctor?” Hinagip ni Elara ang kamay niya, inawat siya sa balak niyang pagdiin sa pindutan para kuhanin ang atensiyon ng mga nasa nurse’s station. “Hindi doktor ang kailangan ko, at… at walang masakit sa akin,” anito, nahulog na ang mga luhang kanina ay naiipon sa mga mata nito. “Then, what’s wrong?” tanong niya rito, pinalis ng mga daliri niya ang luhang naglandas sa mga pisngi ng dalaga. "You can tell me. Please, tell me." “P-pakiramdam ko kasi ay may nag-iba na sa iyo. Parang… parang hindi ka masaya na nandito na ulit ako.” Nanigas ang katawan ni Apoll

