“Shh.” Napaungol na lang ang driver at napailing. Kalahating oras pa ulit ang dumaan bago gumalaw ang pinto dahil may nagtulak pabukas doon mula sa loob ng bahay. Mabilis ang pagtuwid ng likod ni Apollo, kaya tumama tuloy ang ulo niya sa bubong ng sedan sa backseat. “Okay lang ho kayo, Sir?” lingon sa kanya ng driver. “I’m fine,” balewala niyang sabi. Ang buong atensiyon niya ay nakabuhos sa pigurang hinihintay niyang lumitaw sa bista niya. Nang sa wakas ay lumabas na ng bahay si Ahtisa at tuluyan niyang nasilayan ang mukha nito ay para siyang nakahanap ng bukal ng tubig sa gitna ng tuyo at mainit na disyerto. Natitigan niya lang ito ay gumaan na nang bahagya ang bigat na nakadagan sa dibdib niya. “Sino iyan, Sir?” nagtatakang tanong ng driver. “None of your business.” Natahimik

