Kusang umangat ang mga kamay niya at kinubkob ang maliit na mukha ng kaharap, na ikinasinghap nito. When her eyes flew wide in surprise, he felt a sudden surge of excitement—something he hadn’t felt before. Dahil sa sumungaw na ekspresyon sa mukha nito ay mas nasabik siyang lalo pa itong gulatin. Gusto niyang makita na lalo itong mamula, at lalong mandilat ang mga mata nito. Bumaba ang tingin ni Apollo sa nakaawang na mga labi ng kaharap. Nang mapansin ng babae kung saan siya nakatingin ay humawak ito sa mga kamay niya para alisin ang mga iyon, subalit mahigpit ang pagkakasapo niya sa mukha nito, kaya hindi man lang siya natinag. “Sir Apollo, bitiwan n’yo po ako,” anas nito. Imbes na bitiwan ang babae ay mas lalo siyang nahalina rito. ‘Elara...’ And with one forceful pull, he drew he

