“Doc, salamat sa pagtulong sa akin na asikasuhin ang discharge papers ko,” pagpapasalamat ni Ahtisa kay Dr. Eros Romani. Nasa tapat na sila ng hospital building, at gusto niyang magalang nang magpaalam sa mabait na doktor. “You’re welcome. And I hope I won’t see you here again,” sabi nito. Napaawang ang mga labi niya. Masyado ba niyang naabala ang binata at ayaw na nitong makita siya ulit? Biglang tumawa ang doktor, pati ang mga mata nito ay naningkit sa pagtawa. “Ang ibig kong sabihin ay ayaw na kitang makita rito sa ospital. Noong unang beses na nandito ka ay dahil nagka-mild gastritis ka. Ang pangalawa ay dahil naman naaksidente ka. I don’t want to think about the third anymore, but I hope that you’re going to be safe and healthy going forward,” paglilinaw nito. Napa-'ahh' naman siy

