Napagod na lang si Ahtisa sa kakapukpok sa dahon ng pinto ay hindi pa rin iyon binuksan ni Apollo. Pinihit niya ulit ang doorknob, nagbabakasakaling in-unlock na nito iyon, subalit nakasarado pa rin talaga. Inis niyang sinipa ang pinto at humakbang patungong kama. Sandali siyang blangkong nakipagtitigan sa kisame bago siya bumangon ulit para pumasok ng banyo. Nilunod niya sa ilalim ng malamig na tubig mula sa showerhead ang eksasperasyon niya sa binata. Hindi niya akalaing ikukulong siya nito sa loob ng kuwarto para lang huwag siyang makipagkita kay Yair. Ni hindi niya kinumpirmang makikipagkita talaga siya sa Interim CEO ng Casa Ballete. Kinumpiska pa talaga nito ang cellphone niya. Pagkatapos maligo ay nagbihis lang siya at muli na namang ibinagsak ang sarili pahiga sa kama. Parang nan

