Morphie
KAKAIBA ang wangis ng tutubing nasa harapan ko ngayon. Tunay ngang nakabibighani at nakapupukaw rin ito ng paningin. Kumikislap sa kinang ang kaniyang dalawang pakpak na maihahambing sa isang malinaw na salaming transparent. Ang mga mata niya na para bang nasa loob ako nito dahil nakikita ko ang sarili ko rito ngayong nakatingin ako. Ang repleksyon ng pisikal kong wangis.
“Sino ka? Nasaan ang puting Langgam kanina?” ang tanong nang may pagtataka sa kung ano ang nagyari. Nawala ang puting Langgam at siya ang pumalit. Hmmm… nilamon niya kaya si Langgam? Baka naingayan din siya rito?
“I’m Crozzette,” ito ang sinabi niya. Crozzette? Siya si Crozzette? Pangalang pambabae ang Crozzette, hindi ba? Ibig sabihin nito ay babae siya? “Matagal na kitang nakasubaybay sa bawat paggalaw mo, Morphie simula pa nang ika’y isang musmos. Wala ka dapat na ipangamba sa ginagawa ko dahil sa isang dahilan, kaibigan ako ng iyong inang si Eden.”
Ano ang ibig niyang sabihin na bata pa lamang ako ay nakasunod na siya sa akin? So, hindi lang pala ngayon at matagal na hindi ko lang nakikita? Siya nga maharil ang puting Langgam kanina.
“Kilala mo rin ang aking ina?” gulat kong tanong.
“Sinabi ko na kanina, hindi mo ba narinig?”
Paano silang nagkakilalang dalawa? Saka, bakit ngayon niya lang sinasabi sa akin ito? Naguguluhan ako!
“Eh kung gayon man, bakit mo ako sinusundan? Kapatid ba kita?” Hindi ko alam kung bakit ito ang naitanong ko. Sa dinami-rami ba naman ng maaaring itanong, ang isa pang ito ang nasabi ko!? Kaygaling naman talaga, Morphie! Isa lang itong patunay na hilo ka na.
“Hindi tayo magkapatid, malamang kaya nga kaibigan ko ang nanay mo e. Ibig sabigin, we have same age or baka nga mas matanda pa ako sa kaniya. I don’t know, I got no chance na alamin pa ito.
Naghintay ako ng sunod niyang sasabihin.
“Naghabilin sa akin si Eden na kapag nawala siya sa mundo ng Insectia. Parati kitang gabayan. Hindi ko siya binigo. Gano’n nga ang ginawa ko dahil nais kong maging masaya si Eden sa huli niyang hantungan. That’s what a real friend does.”
Ah…sandali, Crozzette lets me connect the dots from the beginning when she starts to appear and have communications with me to this moment. Kaya ba sa tuwing namomroblema ako at kailangan ko ng tulong, she is always there. Magugulat nalang ako at nasa tabi ko na siya. Katulad nalang ngayon. She may use some flowery words even so, deeper down, the only thing she does was to comfort me.
Dumako ang tingin niya sa singsing na suot ko. “Ang singsing na suot mo ay sa akin mismo nang galing. Ako ang nagbigay niyan sa iyong ina.”
Ang daming rebeleasyon ni Crozzette. Ngunit isa, walang naikuwento sa akin si nanay. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya pa itong panatilihing isang sikreto… sikreto na ngayon ay dumating na ang tamang oras upang mabunyag.
“Ako ang nagligtas sa inyo kanina mula sa lasong binuga sa inyo ni Sare. Kung hindi ko kaya naabutan, sigurado ako, hindi na makikila ng pamilya niyo ang walang buhay niyong katawan.”
Kung kanina, natawa ako nang sinabi niya ito ngunit iba na ngayon. Naniniwala na ako sa kaniya. Sa mga impormasyon niyang binigay sa akin, nakabuo na kami ng isang koneksyon.
“Maraming salamat, Crozzette. Patawad nga pala at nasabihan pa kita kanina na wala akong oras sa iyo.” Nahihiya tuloy ako sa kaniya. Ang buong akala ko kasi ay uubusin niya lang ang oras ko sa walang katuturang bagay.
“Small thing, Morphie. Don’t worry about it. Ang mahalaga, wala na akong itinatago sa iyo, nakita mo na ang tunay kong katauhan. Sige na… tulungan mo na ang iba mong kasamahan. Hindi ko kayo matutulungan dahil hindi ako maaaring magpakita sa kanila. Gayunpaman, huwag kang mag-alala dahil parati lang akong nakabantay sa iyo. I’ll always make you the safest Fairouah ever alive.”
Matapos niya itong bigkasin ay naglaho nalang siya na parang bula. Kahit papaano, gumaan ang bigat sa dibdib ko sa sinabi niya. There is someone who will be there for me. May masasandalan na ako.
Pero teka lang, iba pa sa kaniya ang bahagharing ahas? Ahas at Tutubi? Magka-ibang magka-iba sa spelling pa lang. Kidding aside.
Umalis na ako rito at naglakad palabas. Natanaw ko ang mga kasamahan ko. Nilapitan ko ang isa at tinulungan siyang makatayo mula sa pagkakadapa.
“Salamat, Morphie,” wika nito sa akin.
“Ayos ka lang ba?” ang tanong ko naman sa kaniya. Kapansin-pansin ang ilang galos sa mukha nito. Pati na rin sa iba pang parte ng katawan niya, maliit na galos lamang ito kung ikukumpara sa iba.
“Oo, maayos lang ako.” Tumingin siya sa paligid at muling nagsalita. “Mas marami pa ang nangangailangan ng tulong kaysa sa akin.”
Tama siya. Ngumiti ako sa kaniya at iniwan siya. Hindi ko alam kung ano ang ngalan niya, pero ang mahalaga ay ligtas siya.
Marami nga ang nagtamo ng mga matinding sugat at pinsala. Nararamdaman ko ang sakit sa bawat pagkunot ng kanilang mukha at pagpaling ng kanilang mga labi.
May hinahanap ako, ang dalawa kong kaibigan at si Psycher. Saang direksyon naman kaya sila tumalasik?
Inalay ko tulong na magagawa ko. Ang tulungan silang itayo mula sa pagkakasalpak at kung ano-ano pamang maliit na tulong. Nakita ko na nagdurugo ang hita ng isa, inalalayan ko siyang makaupo sa maliit na bato sa gilid namin, at binigyan siya ng pampigil sa dugong ito.
“Okay ka na riyan?” Tumango siya at nagpasalamat din sa akin. Sana lang ay makayanan niya hanggang sa dumating ang tulong mula sa palasyo.
“Ah… ang sakit!”
Nangyari man ito, ang pagiging mapagpasalamat ang kailangan pa ring bauning pag-uugali. Nagpapasalamat pa rin ako na walang buhay ang wala at dahil ito kay Crozzette. Napalaki ng itinulong niya sa amin. Kung hindi siya dumating, baka nga wala na kami ngayon.
Sa wakas, napangiti ko nang nakita ko si Noah na iika-ikang naglalakad, akay-akay siya ni Mura. Taray lang. Suportado nila ang isa’t-isa. Ang sarap nilang tignan ngayon sa posisyon nila. Mura is like Crozzette, he will let you feel, may kaibigan kang masasandalan sa oras na kinakailangan mo ng tulong niya.
“Hoy, Morphie!” Nabaling ang atensyon ko sa tumawag sa akin. Si Psycher. Nilapitan ko siya. Hindi maganda ang kalagayan niya ngayon.
“Mabuti naman at ligtas ka. Akala ko ay napahamak ka na.” Mukha namang nawala ang tinik sa lalamunan niya nang makita niya akong ligtas. Anyong tao na ulit siya. Ayon nga lang, wala siyang saplot pang–itaas dahil nawasak ito nang maging taong lobo siya.
“Nagdurugo ang braso mo.” Nataranta ako dahil hindi ako sanay na makita si Psycher na balot ng dugo. Mabilis akong pumunit ng tela sa mahaba kong manggas at tinapal ito sa braso niyang nagdurugo.
“Huwag mo akong alalahanin Morphie. Kayang-kaya ko ito.” He’s lying. Hindi ako tanga para maniwala sa kaniya at huwag siyang tulungan.
“Naku, nagyabang ka pa! Ididiin ko ito!” pananakot ko na hindi naman gagana sa kaniya. Mukhang wala namang kinakatakutan itong si Psycher e.
“Huwag naman ganoon! Kakagatin kita, sige!”
“Oh, takot ka rin pala.” Ngumisi ako. “Kung nandito lang si tatay, baka natuliro na iyon kapag nakita kang sugatan. Kilala mo naman iyon, ayaw na ayaw na nakikita kang nasasaktan.”
Mahal na mahal kasi ni tatay si Psycher. Kumbaga, siya ang Unicaijo sa pamilya. Eh ‘di ba, I am different so I claimed it. Alam ko, pantay lang naman ang pagmamahal ni tatay sa aming dalawa. Pero minsan, parang mas tunay pa siyang anak kaysa sa akin. Base lang naman sa aksyon at minor treatment. Hindi naman ako nakararamdaman ng selos, dahil unang-una, dati pa iyon. Saka, mas mahal naman ako ni nanay kaya ayos lang. Maka-ama siya, at maka-ina naman ako. Hehe.
“Eh ikaw naman, para kang si nanay kung mag-alaga. May panakot pang kasama,” ang sabi nito at sandali naming pinagsaluhan ang mahinang tawanan.
“Hoy, Morphieeeee!” Agaw pansin ang boses ni Noah. “Ligtas ka!” Kung kanina ay iika-ika siyang maglakad pero nang makita niya ako ay tila nagbalik ang lahat ng enerhiyang nawala sa kaniya.
“Sila ba ang mga bago mong kaibigan?” ang tanong ni Psycher.
“Oo. Si Noah—iyong may katabaan. Si Mura – naman iyong sakto lang ang katawan na kahawig ng galawan ni Kelly,” ang pakilala ko sa mga ito. “Anong cute nila no?”
“Oo nga! Masaya siguro silang kasama?”
“True!”
Nang makarating sina Noah at Mura sa amin ay pinakilala ko sa kanila si Psycher.
Kagaya ng dati, hindi na nagtagal pa si Psycher dahil sa mga bagay na kailangan niyang pangasiwaan.