Chapter 16: SAME FEELING

1253 Words
Morphie            TUMUGO kami nina Noah at Mura sa kakahuyan upang gawin ang una naming misyon biglang ganap nang miyembro ng hukbong sandatahan. Kinakailangan naming manaliksik ng mga matitibay at makakapal na sanga ng puno, mga dekalibreng banging at higit sa lahat, makalinga at dambuhalang dahon na siyang gagamitin namin upang mabuo ang kubong aming magiging tirahan habang kami ay nagsasanay sa Iraqui.            “Ayos ang gawaing ito. Pabor rin sa atin. Para lang tayong nagbabanat ng buto. Exercise na rin bago maganap ang pagsasanay,” ang sabi ni Mura habang patuloy ang paglinga bitbit ang paniniwala na siya ay makakukuha ng matibay na kagamitan na titindig ng matibay habang kami ay na mamahinga.            Humarap sa kaniya si Noah at kumunot ang noo. “Huh? Wala ka pa ngang nadadampot ni isang kahoy. Kung makapagsalita na nakaka-energize ang ginagawa natin. Nakapapagod kaya. Balak ko nang mag-quit.” Umupo siya sa ugat ng puno na parang latang-lata at iniisip nang sumuko. Nawala na rin sa pag-iisip niya ang lengguwaheng ginamit niya.            Tumingin sa akin si Mura na bakas ang pagtatanong sa kaniyang mukha. Nagtataka rin siya sa biglaang pagpapalit ng ugali ni Noah. Nagsisimula pa lang kami. Huwag niya sabihing nilalamon na siya ng katamaran sa katawan.            “Pinagbabawal ang pag-upo ngayon nang hindi sinasabi ang dahilan,” pagpaparinig ko kay Noah. Tila sarado ang tainga niya at walang naririnig. Pinaglalaruan niya lang ang mga bulok na dahong nahulog sa harapan niya. Pinupunit niya ito at matapos ay ihahagis.            “Tumayo ka nga, Noah. Bawal ang tatamad-tamad. Nagsisimula pa lang tayo. Para ka namang bakla,” medyo inis na turan ni Mura kay Noah. Kumamot siya ng ulo niya, at kumunot naman ang kaniyang kilay. Hindi pa alam ni Mura na bakla nga kaming dalawa ni Noah. Tama lang ang sinabi niya. Bakla talaga si Noah kaya hindi magiging affected ang bakla roon! May sikreto rin naman siyang kailagan kung alamin kung ano.            “Hindi ko nga gustong gawin niyan!! Wala na akong gana, wala akong matibasyon!” Makikita sa mga ang pagod at kawalan ng pag-asa. Sa madaling salita, maikukumpara ko siya sa isang lantang gulay.            “Noah?” Ito lamang ang salitang binigkas ko. Tinignan ko siya sa mga mata niya upang ipaalala sa kaniya ang napag-usapan naming dalawa. Tumingin siya sa akin. “Walang susuko.” Alam kong sapat na ang aking sinabi upang matauhan siya. Walang sinuman ang nananalo sa pagsuko. Ang kawalan ng motibasyon ay natural lang, pero hindi ito dahilan upang kaayawan na gawin ang isang bagay.            Tumalikod ako sa kanila. Lumipad sa itaas ng punto dahil nakita ko ang sanga na tamang-tama lang para isama sa mga gagamitin naming materyales. Tuwid na tuwid ito at mayroon ding kakapalang taglay. Gamit ang pisikal na puwersa, binali ko ito mula sa puno.            “Woah!” Muntik pa akong malawan ng balanse. Mabuti ay may sumalo sa likuran ko, si Noah.            “Dahan-dahan lang sis. Wala naman tayo sa kumpetisyon para magpaka-hassle ka. Ayan to tuloy, be careful, huh? Muntik ka nang mapahamak,” nakangiti niyang wika. Bumalik na ang aliwalas ng kaniyang mukha at ang nining sa kaniyang mga mata. Mas lalo akong ginanahan nang makita ko siyang maayos na ulit. Kahit hindi man ang salita ko ang dahilan kung bakit napagtanto niyang muli ang misyon niya na sumali sa hukbo, sobrang saya ko. “Salamat.”            Tinulungan niya akong maibaba ang kahoy sa lapag. Malayo-layo ang kinalalagyan ni Mura sa amin. May mga iilang sanga na rin siyang nakuha. Hindi niya ito hawak, bagkus, makikita ito sa lapag na kinatatayuan niya. Komportable siyang magtrabaho na mag-isa. Sayang nga naman kasi ang oras kung uubusin lang sa wala.            “Ang powerful talaga ng epeksung sa akinelie ng mga titig mo! Daig mo pa sila mujieta at pujieta-elya nung nabubuhay pa sila!” Hinampas niya ako sa braso ko.            “Oh, huwag mo akong panggigilan!” Pinanlisigan ko siya ng mata. “Hindi no! Never this time!” Lumakad siya at tumapat sa sinag ng araw. Binuka niya ang kaniyang dalawang braso at buong pusong sinalubong ang payapang sinag ng araw. “It only reminds me na ang lahat ng bagay ay may hayag na pag-asa. Everything shines at its perfect beautiful time.”            Tumaba ang puso ko. Aminado ako na kahit ako, dumarating ang punto na nawawalan ako ng pag-asa o rason para magpatuloy pa sa pag-abot ng mga gusto ko, pero unknowingly, even I feel hopeless inside, it still can park motivation to those who are feeling the same as mine, katulad ni Noah. Minsan, hindi rin totoo ang kasabihan na hindi mo kayang ibigay kung ano ang hindi mo tinataglay. Iyong katulad ng pag-aangat natin sa paniniwala at pag-asa ng isang tao, kaya natin itong ibigay sa iba ano man ang oras at sitwasyon. Kung malabo man ang tingin natin, hindi tayo sigurado kung pagdating sa iba, napakalinaw nito.            “Kasya na kaya ang mga ito?” Hindi na namin namalayan na nasa tabi na namin si Mura. Pinakita niya sa amin ang mga bitbit niyang materyales.            “Oo! Ayos na iyan para sa matibay na pundasyon. Mga panali nalang ang kailangan nating hagilapin pati pa rin ang mga pantabing,” sagot ko.            Tinabi niya ito sa mga nakolekta na namin.            “Ano pang hinihintay natin! Hanap na!” Kaya naman, agad na kaming naghagilap ng matibay na panaling baging. Sa lupain namin matatagpuan ang mga dahong may nipis ng plastik pero may tibay ng katulad sa matabang salamin. Kumbaga, kahit napitas ito nang tuluyan mula sa puno, at nasinagan ng araw sa matagal na oras, walang dapat ipagamba dahil hinding-hindi  nabubulok ang mga ganoong uri ng dahon.            “Sa tingin mo, truthfully kaya na lalaki si Mura?” ang mahinang tanong sa akin ni Noah habang hinihila namin ng sabay ang baging sa puno.            Kumunot ang noo ko, at sumagot sa kaniya. “Oo naman, bakit mo naman natanong?”            “Sightseeing mo siya, sige.” Pa-simple naman akong humarap kay Mura. “Nakita mo? It seems na may tinatago siya sa dibdibely niya na something like hugis dalawang bundok-ey? Pansinin mo, parang may-dede siya, tapos isa pa, assess her body figure, pang-babae ang katawan niya! Sana all nalang, hindi ba?”            Inusisa ko ang pisikal na katangian ni Mura, kinuha ko na ang pagkakataon na hindi siya nakatingin sa amin. Abala rin siya sa pagpili ng mga dahon. Tama nga si Noah, babaihan si Mura. Kaya pala noong una, may dating siya na parang si Kelly. Pero bakit ngayon ko lang ito napansin?            “Babae kaya siya?”            “Actually, medyo may katagalan ko na rin iyang napapansin, it started the day after the first day. Alam mo naman ako, you higly know me, likas na sa akin na mayroong mapagmatyag na mga mata. That’s the reason why I easily noticed the hotness of fafa Psycher baby! Medyo you became liar ng sinabi mong kapatid mo siya, though I didn’t believe that much. Ang mas powerful proof, knows ko agad na betla ka rin!” mahabang salita ni Noah. “Ano sa tingin mo? Maybe, we have right guest?”            Nahalata ni Mura na nakatingin kami sa kaniya kaya bago pa man niya kami malingon ay inalis na namin ang tingin namin sa kaniya.            Kung totoo ngang may tinatago man si Mura, dapat lang na magpakatotoo siyang aminin ito sa amin. Uulitin ko, kaming tatlo lang ang masasandalan ng bawat isa.            Nang kami’y matapos, inayos namin ang mga nahagilap naming materyales at lumipad pabalik ng kuta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD