Inubos ni David lahat ng alagad ni abadon nang mabilisan, dalawa nalang si David at abadon ang natitira, at tila nasisiyahan pa si abadon.
“Ayon kay Abadon” – hahaha! Hindi matatawaran ang iyong lakas at hindi ko rin alam na meron palang ganyang kapangyarihan tinataglay ang tao hahaha!
Sumigaw si abadon, at nabalot ang kanyang katawan ng nagbabagang mga bato, gumawa eto ng espada gamit ang apoy at nababalot eto ng kadiliman. Nayayanig ang kalupaan, umangat ang karagatan at nahahawi ang tubig neto. Kapwa sila nakatitig sa isat-isa at naghihintay na umatake ang isa sa kanila. Sabay silang umatake sa isat-isa nagwala ang mga aura ng makalaban na Partido kumikidlat ng malalakas at halos gunawin nila ang lahat ng matatamaan nila, at sumapit na ang pareho nilang huling atake.
“Ayon kay Abadon” – tunay ngang napakalakas mo pero sa huling atake kong eto, siguradong mapapaslang kita. Supreme mode “Gift of Darkness” Absolute Destruction.
Nabalot ng itim na apoy ang espada ni abadon at bumuo nang isang napakalaking bolang itim at kumikidlat kidlat pa ng kulay itim din, napakalakas ng aura na eto at parang halos gugunawin neto ang buong mundo.
“Ayon kay David” – sumigaw ng malakas nang : hindi lahat ng bagay sa mundo ay pamumunuan nyo, ako si David ako ang magwawakas sa lahat ng kasamaan dito sa mundo!. Destroyer mode “Gift of Destruction” Supreme Domination. At nagliliwanag ang noo neto.
Inangat ni David ang kanyang kamay at hinigop lahat neto ang aura ng nasa paligid nya, at bumuo eto nang napakalaking bola ng aura na nababalot ng kidlat, apoy, tubig, hangin , lupa, dilim at liwanag.
• Nag sabayan ang dalawa ng kanilang mga huling atake at kapwa sumigaw ng malakas nang: “KATAPUSAN MUNA”. Niyanig neto ang buong mundo sa tindi ng labanan ng kanilang mga atake at nagdudulot eto ng pagkawasak ng lahat ng nasa paligid, at bumuo ng malaking hukay. Hindi na ito kinaya ni abadon sa subrang lakas ng kapangyarihan ni David at tumagos ang atake ni David sa kalawakan at sumabog eto at nagpaliwanang sa boung mundo. Nalusaw si abadon sa lakas ng atake ni David.