45 - Drowning in Heat Summer’s Point of View Nakaupo kaming dalawa ngayon sa buhangin, sa ilalim ng isang puno. Kanina ko pa siya hindi kinikibo dahil naiinis ako sa katangahan niya. Ang sarap niyang ibaon sa buhangin. “How long will you stay silent?” tanong niya sa akin. “Hanggang sa may dumating para sunduin tayo,” matigas kong sambit sa kanya saka siya inirapan. “Kung sinigurado n’yo lang sana na maayos na naka-angkla ang arko, hindi aanurin ng alon ang speedboat,” maktol ko. “I’m sorry na nga, ‘di ba? It’s my fault,” aniya sabay buga ng hangin. “I am as frustrated as you right now, but we don’t have a choice but to wait for someone to rescue us,” dagdag niya. “For now, let’s go and find something to eat.” Tinaasan ko siya ng kilay. “May makakain ba sa islang ‘to?” “Ako,” aniya

