63 - Let’s Stop This Summer’s Point of View Pakiramdam ko’y naramdaman talaga ng daddy ni Alexander ang panginginig ng kamay ko kasi nakita ko kung paano bumaba ang tingin niya sa magkahawak naming kamay. “Let’s sit down?” Pumagitna na si Alexander sa aming dalawa. Dahil doon ay nagkaroon ako ng rason na bawiin ang kamay ko at ibaling sa iba ang aking atensyon. “You’re trembling,” bulong niya sa akin saka niya ako pinaghila ng upuan. “Calm down, okay?” dagdag niya nang makaupo ako. Umupo na rin siya sa tabi ko at pasimpleng hinawakan ang kamay ko sa ilalim ng mesa. Kita ko pa kung paano bahagyang namilog ang kanyang mga mata matapos niyang mahawakan ang aking kamay. “It’s cold,” nakangising sabi niya. Napanguso na lang ako dahil sa hiyang nararamdaman. “So, shall we order?” Nanig

