42 - To Steal Her Summer’s Point of View “Summer, are you okay?” tanong sa akin ni Sir Anton habang minamaneho niya ang speedboat. “You’ve been spacing out kanina pa,” dagdag niya. Bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala, lalong-lalo na sa kanyang mga mata na matamang nakatitig sa akin na para bang sinusuri niya ang bawat detalye ng aking mukha. “Okay lang po ako, sir. Dinadama ko lang po ang hangin at ang dagat,” tugon ko sa kanya at pilit na ngumiti kasabay ng pag-ayos ko ng aking buhok dahil kanina pa ito nililipad ng hangin. Huminga ako nang malalim saka ibinaling ang tingin sa karagatan at dinama ang bawat hampas ng hangin sa aking mukha. Napapikit ako dahil sa nakakaginhawang sensasyon, lalong-lalo na sa tunog ng alon na bumabangga sa sinasakyan naming bangka. Kailangan ko ‘to. K

