Summer’s Point of View Sabi nila, planado na ng tadhana ang buhay ng bawat tao. Pagkasilang na pagkasilang natin sa mundo ay nakatadhana na ang buhay natin; na kahit anong liko at iwas ang ating gawin, ay babalik at babalik pa rin tayo sa daang inukit nito para sa atin. We can never escape fate. At gano’n na gano’n ang nangyari sa buhay namin ni Alexander—mula sa kasunduan ng aming mga ama na ipakasal kaming dalawa ngunit pinigilan ng sunod-sunod na pagsubok at dagok sa mga buhay namin, hanggang sa kusang pagtatagpo ng aming mga landas na hindi namin inaasahan. It all started with a single bet—for him to seduce his cold secretary. A bet that I didn’t know would realign the stars that were once scattered by the adversities of life; a bet that would make our fathers’ wishes come true.

