IYAN ang buhay nilang tatlo sa eskuwelahan nila. Mga kilalang troublemaker. Lahat na lang binabangga, lahat na lang pinagtitripan. Ang masama, kapag pumalag ang napagtripan nila, mamasamain talaga nila! Kaya hindi masisisi ang mga guro kung bakit panay ang pagpaparusa sa kanila. Sa kabila ng naranasan nilang parusa, pagiging famous dahil sa gulo ay naging immune na silang tatlo. Iyon kasi ang kumukumpleto sa araw nila at katawang-lupa nila. They always want war.
Siguro nga baka mahiya pa si Satanas sa kalokohan nila, eh. Pero kahit ganoon, they still have good hearts, bagay na hindi alam ng nakararami.
"Kali!"
Napalingon siya sa nagtawag. Si Baru, ang pinakamatabang kaklase nilang lalaki. Sipsip ito sa kanilang tatlo at lahat ng puwedeng ibalita ay ibabalita nito. Nasa ilalim sila ng Punong Narra nang mga oras na iyon.
"Oh? Bakit hingal na hingal ka? Nag-jogging ka ba?" tanong ni Yunik.
"Hindi," ani Baru na habol pa rin ang paghinga.
"Akala ko sinunod mo na 'yong suggestion ko sa 'yong magpapayat." Sumandal si Yunik sa malapad na katawan ng puno at nagsimulang mag-strum ng gitara.
"May ibabalita ka ba?" tanong naman ni Kudo na tutok ang mata sa libro.
"Oo! Oo!"
"Oh, eh, ano?" aniya.
"Pero pahingi muna ng tubig, kailangan ko ng tubig. Hindi na ako makahinga,"
"Timawa talaga 'to," bulong ni Yunik.
Inihagis niya ang bottled water kay Baru na nasalo naman nito at bibig na ang pinangbukas ng takip. Napangiwi siya dahil doon. Kahit kailan talaga ang isang ito!
"Ano ba 'yan, Baru! Puwede namang kamay!" natatawang sambit niya.
Pagkatapos makainom ay agad itong nagpaliwanag habang hinihingal pa rin. "Alam n'yo kasi, masiyado nang marami ang nawalang oxygen sa akin, so, hindi... hindi ko na kaya gamitin 'yong kamay ko, okay?"
"Walang nagtatanong," paanas ni Yunik.
Sa kanilang tatlo, si Yunik talaga ang trashtalker, balasubas, bastos, at lahat ng hindi magandang salita na puwedeng ikabit dito. Kapag nagsimula silang manlait, sobra-sobra 'yong maririnig kay Yunik. Lahat ng kalokohang nasa isip ay lalabas sa bibig. Bukod sa panta-trashtalk ay magaling din itong tumugtog ng gitara at napakaganda ng boses nito. Mayaman din ang angkan nito at may sariling beach resort ang pamilya kaya masarap utangan.
"So, ano nga? Hindi ka naman pupunta rito kung wala kang ibabalita, tama?" Inilapag ni Kudo ang libro at kinuha ang bukas na malaking sitsirya.
"Ahm," umupo si Baru at tinuro ang mga nagkalat na pagkain sa damuhang inuupuan nila, "pero puwede bang makahingi muna niyan--"
"Putik! Ano ba, Baru!? Ililitson na kita, ha!?" singhal niya. Timawang 'to! Hindi na lang magsalita! Pumalatak ang tawanan nina Kudo at Yunik.
"Sorry na, Master Ponce! Hindi pa kasi ako nagtanghalian. Pero sige na nga. Ganito kasi 'yon. 'Di ba may pinasabog kayo kanina sa bukid--"
"Hoy, gunggong! Hindi kami nagpasabog n'on!" depensa ni Yunik.
"Ano ka ba, boss? Hindi n'yo naman maitatago sa akin 'yon! Simula pa noon ay alam ko na ang masasamang gawain ninyo, 'di ba? Walang ibang gagawa n'on maliban sa inyo nina Master Ponce!" Tumawa ito.
"Oo nga naman, Ibarra, saksi 'yang buda na 'yan. Ano pa ba ang hindi niya alam?" si Kudo.
"Na hindi ka pa tuli," diretsahang tugon ni Yunik.
"Hoy! Gago!" mura ni Kudo. Nagtawanan silang tatlo. "Tuli na ako, sira ba ulo mo? Sabay pa tayong nagpaputol no'n! Umiyak ka pa nga!" Lalong lumakas ang tawanan nila ngunit natigil si Yunik sa narinig.
"Totoo ba, boss? Umiyak ka?" tanong ni Baru na hindi na makahinga.
"Bata pa ako n'on siyempre," nag-iwas ito ng tingin at tiningnan ng masama si Kudo, "tangina mo, Aralem!" mariing diin nito.
"f**k you, too," ani Kudo na may nakalolokong ngiti.
"Ayos, ah! Ang mga boss ko may mga itinatago rin pala!" Muling natawa si Baru.
"Oo at baka isunod na naming itago 'yang katawan mo kung hindi ka titigil diyan!" banta ni Yunik.
"Sorry na, boss!"
"Tama na nga 'yan! 'Di ba may sasabihin ka pa? Nakalimutan mo na yata?" aniya.
"Oo kami 'yong nagpasabog, anong meron do'n?" tanong ni Kudo.
"Ah! Oo nga pala! Mga boss! May bad news!"
"Magugulat ba kami?" tanong niya.
"Siguro hindi. Makapal na mga mukha n'yo, eh!"
"Ah, gano'n?" ani Yunik at akmang ihahampas dito ang gitarang hawak.
"Uy! Uy! Joke lang! Ito na nga sasabihin ko na, eh. Ito, ha... sila Sir Diogo! Pinapatawag kayo! Sila ng principal at nila Ma'am Desigorado! Malilintikan kayo at kayo lang daw ang gagawa ng mga gano'ng bagay dito sa school!"
"Pinagbibintangan kaagad nila tayo?" inis na sambit niya.
"May proof ba sila?" si Kudo.
"Oo nga, paano naman nila nalaman na kami nga? Wala namang nakakita sa amin kanina. Sigurado kami ro'n!"
"Diyan ka nagkakamali, Yunik!"
"Ha? Anong ibig mong sabihin, Baru? You mean may nakakita sa amin, gano'n?"
"Yes! Tumpak ka naman diyan, Master Ponce! May nakakita nga sa inyo! At 'yon naman ang baon kong good news!"
"Gago! Good news ba 'yon na may nakakita sa amin?" singhal ni Kudo.
Natawa si Baru. "Hindi! Ang good news ko ay alam ko kung sino ang nakakita at nagsumbong sa inyo!" ngiting-ngiting anito.
"Sino???" sabay-sabay nilang korong tatlo. Sumenyas si Baru na lumapit sila rito. Magkakalapit ang mukha nila at nakapalibot. Hindi niya napigilang matawa sa reaksyon ni Yunik. Lukot ang mukha nito.
"Ano ba naman kasi, Baru! Kaasim mo naman, eh!" hindi na napigilang reklamo ni Yunik. Habang si Kudo ay nagtakip na lamang ng ilong habang nagpipigil ng tawa.
"Grabe kayo! Tutulungan na nga kayo, eh! Nanlait pa! Lumapit na ulit kayo at sasabihin ko na. Baka kasi may nagmamanman sa atin ngayon, mahirap na!"
Napatango naman sila at muling lumapit. May point naman itong si Baru. Masiyado silang famous at pinaliligiran ng mga kuwadradong balakubak sa eskuwelahang ito.
"So, ito na nga. Ang nagsumbong base sa pagmamatyag ko kanina sa office ay si Loren!"
"Loren?" takang tanong niya. "Sino 'yon? Kilala n'yo ba 'yon, Kudo?"
"Iniisip ko," anito. Ganoon din si Yunik na tila inaalala ang nasabing 'Loren'.
"'Yong fourth year lang din! Section 1! Loren - Lulu! Lulu - Loren! Kilala n'yo na?"
"Ah!" ani Yunik na animo'y may bumbilya sa bunbunan, napatingin naman sila kay Yunik. "'Yong kung tawagin ay 'Lulu'?"
"Oo! 'Yon nga, boss! Tama! Na kung tawagin din ay--"
"Lulu-wa-puday!" sambit ni Yunik.
"Yunik, naman!" aniya at napangiwi.
Natawa naman ang tatlong binata.
"Totoo nga! Lulu-wa-puday ang bansag doon kay Lulu. Paano kasi nakita dating walang panty na suot 'yon tapos bumulaga raw 'yong--aray!"
Hinampas niya ito sa braso. Aba't gusto pang ituloy, kasagwa na nga pakinggan. "Oo na! Kadiri! Kailangan pang sabihin!" aniya at umayos na ng upo.
"Kailangan pang sabihin ang alin?" tanong ni Kudo.
"Edi 'yong bumulaga 'yong puday ni Lulu!" sigaw niya. Huli na para ma-isa-ulo ang nasabi. Napuno na ng tawanan ang paligid at doon nila napansin na may ilang estudyante pa rin pala roon sa place nila.
"Sinabi ko bang tumawa kayo!? Mga hampas-lupa!" singhal niya. Bakit kasi isinigaw niya 'yon? Tiningnan niya ng masama sina Yunik na tawa rin nang tawa.
"Uh, wait," si Kudo. "Lapit kayo ulit," utos nito na sinunod naman uli nila. "'Yang Lulu na 'yan, 'di ba 'yan 'yong pinupormahan ni Vicente?"
Kumabog ng malakas ang dibdib niya sa pagkakarinig sa apelido ng paborito niyang galitin, bwisitin at mahalin. That's her ultimate crush, Peter Vicente. Pero wala itong pakialam sa kanya at kinamumuhian siya nito nang sagad sa buto, iyon nga lang, wala rin siyang pakialam kung kinamumuhian siya nito. Ang mahalaga, nag-eexist siya sa mundo nito. Kinilig na namang muli siya ngunit biglang natigil nang maalala ang sinabi ni Kudo.
"You mean 'yang Lulu na 'yan liniligawan ni Peter?" inis na tanong niya. Parang gusto na naman niyang magparusa ng babaeng lumalandi rito. Nanggigigil siya at ganoon din ang mga puno, sigurado siya roon.
"Oo, brat. Si Lulu ang bagong dini-date ng Pedro mo," umayos ng upo si Kudo at nahiga sa damuhan.
"Masama ang kutob ko, Aralem, ikaw ba?" si Yunik.
"Ramdam na ramdam ko na, may mapapaalis na naman sa school na 'to,"
Liningon siya ni Yunik. "Anong kailangan gawin, Ponce?" anito at ngumiti.
"Edi maglaro tayo!" inis na may kahalong pagkasabik na sabi niya. "Humanda ka sa akin, Lulu, luluwag talaga 'yang ano mo!"
Nagtawanan silang tatlo maliban kay Baru.
"Masarap pala itong mga cupcakes n'yo rito, 'no? Ayos talaga kapag nag-ce-celebrate kayo!"
Napalingon sila rito. "Baru!!!"