Nagpaalam na muna ako kay lola baka pag nagtagal pa ako mabalibag ko siya sa harap ni lola sa inis ko sa kanya. Saka tumalikod na susundan pa sana niya ako pero tinawag siya ni lola. Nakahinga lang ako ng maluwag ng makalayo ako. "Bwisit talaga ang lalake na yun walang alam gawin kundi sirain ang araw ko." Bulong ko saka bumaba at lumabas ng bahay naglakad lakad ako. Pero sumisik sik sa isipan ko ang nangyari nung gabi na yun. Nagulat ako ng halikan niya ako. Natigilan din ako sa naramdaman ko. bago ako natauhan saka sinikmuraan siya sa galit ko. Wala sa sarili na nahawakan ko ang labi ko. "Haay, bwisit na lalake yun." Bulong ko saka napapikit sa inis. Napadako ako sa may kwadra nakita ko sila Rey. "Hi! Rey." Bati ko dito. Lumingon ito sa akin. "A... Alona... I... Kaw pala... B... Ba

