"Sino ka talaga? Bakit nasa condo ka ng kapatid ko ng araw na yun?" Bulong ko habang pinagmamasdan ko siya. "Sabi ko na hindi ikaw si Alona dahil napakalayo mo sa kanya. " Bulong ko nagulat ako ng umungol siya at hilahin niya ang damit ko palapit sa kanya. Dahil hindi ko inaasahan ang ginawa niya muntik na akong matumba sa ibabaw niya buti na lang napadiin ako sa bawat gilid ng unan niya. Ng mapatingin ako sa kanya. Natigilan ako dahil ga dangkal na lang ang layo ng mukha ko sa mukha niya. Ng bigla siyang dumilat nahigit ko ang hininga ko. Tumitig siya sa akin. Laking gulat ko ng ngumiti siya sa akin saka pumikit uli. Doon lang ako natauhan nagmamadali akong tumayo saka napabuga ng hangin. "s**t! Akala ko masasapak na naman ako. Buti na lang nanaginip lang." Bulong ko saka tiningnan siy

