ang mga tao ko. Mga tao na niya ang pinalit niya na magbantay dun." Sabi ko sa kanya. " Galit na galit si Samuel sayo dahil sa ginawa mo sa mga tao niya. Siya na pala ang humahawak sa Hacienda Manor at mukhang sinadya niya yun ipagawa sa mga tao niya dahil sayo. Nalaman niya na dumating kana. " Sabi nito. Natawa ako. Dati na kaming magkabangga ni Samuel noon pa mang mga bata pa kami. Hangang lumaki na kami. Magkalaban lagi ang grupo namin. " E ano naman ang masasabi niya dahil sinadya ko din ang ginawa ko sa mga tao niya. Pasalamat pa siya at nagpigil pa ako kundi wala na siyang tao. " Sabi ko kay Zuriel. Napamura ito. " Magkaparehas nga kayo ng gago na yun. Alam mo ba na muntik na silang magpang abot ni Primo. Kundi ko lang pinigilan. Nagsampa ng kaso ang mga Elder kaso binayaran lang

