Halos hindi niya makausap si Lyka habang hinihintay nila ang pagdating ni Leo. Wala itong tigil sa pag-iyak at pilit niya itong pinapakalma. Pero nanatili itong humihikbi at halos manghina na ito dahil sa kakaisip kung nasaan na si Allison ngayon. Gusto niyang pagaanin ang loob nito pero hindi niya alam kung papaano, alam naman niya kung gaano nito kamahal si Allison. He may not be the real father of Allison but he treated her just like his own daughter at hindi niya kayang tanggapin kung may masamang mangyayari dito. Ilang sandali pa ay dumating na rin sa wakas si Leo sakay ng kotse nito. Agad na nakita ni Lyka si Leo at hindi niya ito napigilan ng mabilis itong bumaba sa kanilang kotse para salubungin ito. "Lyka..." "Nasaan ang anak ko, Leo?"

