"Aya girl, c'mon come and join us later. We're already done with our projects and our thesis is almost done, we need to take some rest." My bestfriend Lizzy said.
"Baka hindi kasi ako payagan ng parents ko Liz. Alam mo naman how strict they are diba." Sagot ko, totoo naman kasi na malabong payagan nila ako.
"Edi wag ka na magpaalam, or sabihin mo na lang na na mag-sleep over ka saamin kasi aayusin natin yung thesis natin." Sagot ulit ni Lizzy
"Hindi ko lang sure Liz." Balik sagot ko.
"Sige ipagpapaalam na lang kita kayna tita, sabihin ko samin ka matutulog. Teka wait lang, sagutin ko lang tong si Rica." Sabi ulit ni Lizzy at kinausap na sa kabilang linya yung isa naming kaklase.
"Oo Rics, isasama natin mamaya magpuntang Bar tong si Aya. Ako bahala kayna tita na magpaalam. See you." Lizz said
"So bes ako na bahala sa magulang mo, hatid na din kita sainyo para mapaalam na kita. Text mo na sila na hindi ka magpapasundo." Sabi ulit nito.
Kaya naman I texted my mom na hindi na ako magpapasundo kasi sasabay na ako kay Liz. They know Liz already and I know they somehow trust my bestfriend kasi magkaibigan na kami since high school at hanggang ngayon na college gradwaiting na kami. Same course din kami ng kinuha which is Business Administration kasi yun ang gusto ng parents namin both.
Lizzy is a total opposite of me, sya madaldal ako naman ay hindi. Friendly sya tapos ako hindi. Happy go lucky si Lizz, while me masyadong masunurin sa magulang. I grew up na konti lang ang kaibigan. Mapili din kasi ang parents ko sa kung sino ang kakaibiganin ko. Minsan nakakapagod at nakakasawa na sumunod sa mga sinasabi nila pero I know naman na para sakin din yun. Naiintindihan ko na over-protective sila kasi nag-iisa lang akong anak nila na babae.
Lahat ng luho ko binibigay ng parents ko maliban sa kotse, kahit marunong na akong mag drive, hindi pa rin nila ko pinapayagan na magkaroon ng sariling sasakyan kaya hatid-sundo pa din ako sa school.
And by the way, I'm Ayana Leigh Ledesma and my story will start here.
Dumating na kami sa tapat ng bahay namin at pinagbuksan naman kami ng gate ni Nana, ang favorite kong kasambahay namin.
"Thank you Nana, sina mommy nandyan na ba?" Tanong ko sa kanya.
"Kanina pa anak" Sagot naman nito, anak ang tawag nya sakin kasi parang nanay ko na din sya, sya kasi nakabantay sakin simula bata pa ako.
Pagpasok namin sa bahay, nakita ko agad sina mommy sa may living room, nag-uusap sila ni daddy.
"Hi, mom, dad" Paglapit ko sa kanila at nakipagbeso.
"God afternoon po tita, tito." Bati naman sa kanila ni Lizz.
"Good afternoon din Lizz" Sagot ni daddy.
"So how's your day young ladies?" Tanong ni mommy samin.
"Okay naman po mom." Sagot ko
"Ayos lang po tita, napasa na po namin yung mga projects namin sa ibang subjects, and thesis na lang po gagawin namin, and speaking of. Tita pwede ko ba ipagpaalam si Aya na mag sleep over samin? Wala po kasi akong kasama sa bahay, wala sila mommy. Please" Sabi ni Liz
"Oh, wala pala kayong kasama dun, why not dito ka na lang matulog Liz?" suhestyon naman ni daddy.
"Bakit nasaan ba sina Trish?" Tanong ni mommy kay Liz
"Nasa business trip po. Nandun po kasi sa bahay namin yung materials na kakailanganin namin dun sa ginagawa naming thesis kaya dun na lang po kami matutulog if okay lang po?" Sabi ulit ni Liz
"Oh sya sige, basta wag kayong lalabas at aalis ng bahay. Mag-ingat kayo dun." Pagpayag ni mommy.
"Yey! Thank you tita, the best ka talaga." Tuwang tuwang sabi ni Liz na napakalaki ng ngiti, if I know may plano kasi mamaya.
"Basta yung bilin ko, wag aalis ng bahay, gabi na. Delikado sa labas." Paalala ulit ni mommy.
"Yes po" Sabay naming sagot ni Liz.
After nun, pumunta muna kami sa kwarto ko lara kumuha ng damit.
"Haha, see papayag sina tita" Proud na sabi ni Liz at nahiga sa bed ko
"Paalala, bawal lumabas ng bahay" Sabi ko naman.
"Baliw, yun nga ang purpose kaya tayo nagpaalam kasi lalabas tayo. Hindi naman nila malalaman eh. Naka day off ngayon yung maids namin kaya walang magsusumbong." Sagot naman nito.
"Kinakabahan ako Liz" Nasabi ko na lang.
"Don't be, kasama mo naman kami nina Rics eh." Sagot naman ni Liz.
After namin kumuha ng damit, lumabas na kami sa room ko at nagpaalam na kina daddy na aalis na. 5:00 pm na din kasi.
Makalipas ang ilang minutong byahe, nakarating na kami sa bahay nina Liz at kasunod lang namin yung sasakyan ni Rics na dumating.
Sabi nila sasakyan daw ni Rics ang gagamitin kasi bawal yung kay Liz at baka mahuli kaming lumabas, malay natin baka may bantay palang pinadala sina daddy.
Nasa loob na kami ng bahay nina Liz at nagkukwentuhan. Mamaya pa daw kasi aalis na 8 pm, 6 pa lang naman ngayon.
"Buti na lang Sabado bukas kaya pwede tayong magsaya ngayon" Sabi ni Rics
"Sure talaga kayo dito?" Tanong ko sa kanila, kinakabahan kasi ako, bukod sa first time ko pupunta sa bar, baka malaman din nina mommy.
"Ano ka ba Aya, syempre sure na sure. Nandito na nga tayo eh, naghihintay na lang ng oras." Sagot naman ni Rics.
Nakarinig kami ng doorbell, baka ayun na yun na yung food na inorder namin kaya lumabas muna si Liz sandali.
Kumain muna kami bago nag ayos at nagpalit ng damit na isusuot. Magsusuot sana ako ng jacket kaso pinagalitan ako nina Liz
"Hoy Aya, ano yan? Bakit ganyan? Ang baduy mo naman" Sabi ni Rics. Naka jeans at blouse lang kasi ako tapos naka jacket nung bumaba na ko sa sala.
"Okay naman ang suot ko ah." Sagot ko naman sa kanya.
"Loka, wag ganyan. Mukha kang mamamalengke." Sabi ulit ni Rics.
Kaya ang ginawa nila, hinila nila ako sa room ni Liz at naghanap sila ng maisusuot ko.
"Eto bagay sayo Aya" Sabi nung isa pa naming kasama na si Wendy.
"No way, ayoko nyan" Sagot ko
"May taste ka talaga pagdating sa fashion Wends" Sabi naman ni Lizz
"Syempre naman, fashionista ata to. Hahaha" Sagot naman ni Wendy.
At wala akong nagawa kundi isuot yung damit na napili nila. Medyo naiilang ako kasi medyo daring yung pinasuot nilang dress sakin na fitted pa.
"Sabi na bagay sayo eh. Ganda mo Aya!" Komento ni Wendy.
"P for perfect" Sabi naman ni Rics.
"Let's go na?" Sabi naman ni Liz
Ilang minuto ang nakalipas, nakarating na kami sa Bar. Surprisingly, hindi kami hinarang nung mga bouncer kasi hindi halata sa itsura namin na disi nuwebe pa lang kami. Nasa legal age na din nman kami, according to Rica.
Nakahanap na sina Wendy ng spot kung saan kami naupo. Medyo nasa gilid lang kami tapos occupied na din yung mga katabi naming tables.
Sobrang daming tao at sobrang ingay, kung hindi lang ako naka upo sa gitna ni Rica at Liz, baka nakalabas na ko. Hindi kasi ako sanay sa ganito kaingay na lugar. Yung mga sumasayaw, yung iba sa kanila napapansin ko na wild na.
"Ang aga naman naman nilang gumawa ng eksena. Hahaha" Sabi ni Wendy.
Si Wendy actually yung mahilig talagang magpunta sa bar. Hindi sya kilala ng parents ko kasi sa ibang univ sya nag aaral. Bestfriend sya ni Rics kaya nagin kaibigan na din namin sya ni Liz.
"Uy Aya, uminom ka" Medyo pasigaw na sabi ni Wendy kasi maingay nga at binigay sakin yung isang baso na may lamang alak.
"Hindi ako umiinom" Sagot ko sa kanya.
"Bawal ang kj dito Aya" Sabi naman ni Rics
"Iinom na yan, iinom na yan" Sabi naman ni Liz
"Malalagot ako neto." Sagot ko
"Hindi nila malalaman ano ka ba. Saka alisin mo nga yang jacket na suot mo, my gosh Aya" Sabi ulit ni Rics
Tinry ko uminom ng konti, at parang nasusuka ako sa lasa nung alak.
"Ang pangit ng lasa, ayoko na." Sabi ko bigla
"Walang ayawan dito Aya, kaya mo yan." Sabi naman ni Wendy.
Nagkukwentohan habang umiinom sila at ako naman iniisip kung itutuloy ko pa ang ag inom ko ng may biglang lumapit samin na tatlong lalaki.
"Hi, girls. Mind if we ask you to dance with us?" Tanong nung isa at agad namang pumayag si Wendy kaya sumunod naman sina Liz at Rics. Kaya naman naiwan akong mag isa dito.
Pinanuod ko lang sila na masayang nagsasayawan sa gitna.
Mga ilang minuto na nakalipas at hindi pa din sila bumabalik at tapos sumayaw. Nabo-bored na ako. Hindi naman ako pwedeng lumabas kasi baka mas mapahamak ako dun. Kaya naman, napagdesisyunan kong iinom na lang ako mag isa dito.
Wala naman akong problema kaso nga lang bored na talaga ako, ayoko naman puntahan sila sa dance floor. Di naman ako sumasayaw.
Hindi ko namalayan na naubos ko na yung laman nung baso na gamit ko kaya nilagyan ko ulit at ininom. Hindi ko na napansin kung gaano na kadami yung nainom ko. Hanggang sa nakaramdam na ko na medyo nahihilo at umiikot na paligid ko.
Bumalik na sila Liz dito sa may sakin.
"Uy hala, Aya! Ba't ka naglalasing mag isa dyan? Di mo kami inaya? Hahahaha" dinig kong sabi ni Wendy.
"Busy kayong sumayaw dun eh, at bored na ko kaya uminom na lang ako dito ng mag-isa. Whhooo! Ang init!" Sagot ko sa kanya at tinanggal ko na yung suot kong jacket kasi sobrang init talaga ng pakiramdam ko.
"Ano tara sayaw tayo?" Pag aaya ni Liz
"Tara!" At dahil nakainom na ko, may lakas ng loob na ko na sumama sa kanila.
Pumunta kami sa gitna ng dance floor at nagsimulang magsayaw, may mga nagsilapitan na din samin pero di ko sila pinansin at sumayaw lang ako hanggang sa medyo nahilo na naman ako kaya tumigil ako sa pagsayaw, sumenyas ako sa mga kaibigan ko na babalik muna ako sa table namin. Di naman nila ako pinansin kaya hinayaan ko na lang.
Ramdam kong may nakatingin saakin at may isang lalaking naglalakad at masyadong lumalapit sakin pero bago ko pa lingunin kung sino yung nasa likuran ko may humawak na sa kamay ko at hinila ako.
Inaantok na ako kaya di na ko nag abala kung sino yung humila sakin, binalik nya naman ako sa upuan ko eh.
Kumuha ulit ako ng inumin na alak at ininom ito kasi nauuhaw ako.
"Hey! You're drunk already" Pag-aawat sakin nung boses lalaki na katabi ko.
"I'm thirsty. Gusto kong uminom" Sabi ko at uminom ulit.
"I can't see your friends on the dance floor, you should go home. Mukhang hindi ka sanay sa alak" Dinig kong sabi ulit nung lalaki.
*hik* "First time ko lang uminom. Hahahaha, malalagot ako kay mommy at daddy kapag nalaman nila. Hahahaha" Wala sa sariling sabi ko.
"Saan ba bahay nyo? Iuuwi na kita" Sabi ulit nito
"Ha ha, ang bait mo naman kuya. Wala akong pambayad sayo." Sagot ko sa kanya at medyo napapapikit na din ako.
"At bawal mo ako iuwi samin, hindi pwede dahil magagalit parents ko. Alam nila na nag sleep over ako kina Liz at hindi uminom." Dagdag ko pa at tuluyan na kong nawalan ng ulirat.