PINAGMASDAN ko si Luke na seryosong kausap si Tito Juanito. Ngayon ako nakadarama ng hiya sa mga nangyari. Kanina ay hindi ko magawang salubungin ang tingin nila lalo na si Tito Juanito. What we did was extremely stupid! Duda din ako kung makababalik pa kami sa café na iyon dahil galit na galit ang may-ari niyon na siyang tumawag ng pulis para lang maawat kami. Tiyempo naman na may pulis lang sa malapit. Kaya naman nandito kaming lahat sa presinto. Hindi ko magawang tawagan si daddy. Baka tuluyan na niya akong itakwil. Sinulyapan ko si tita Yolanda na nakaupo sa tapat ko. Tulad namin ay magulo ang buhok niya at may punit ang damit. Simangot na simangot siya at wariy hindi pa humuhupa ang galit sa amin. “S-Sorry na beshy…h-hindi kasi ako nakapagpigil,” bulong sa akin ni Melody. Agad kaming

