Chapter 30 – Dustin and Melody

1546 Words

Pagpasok ko sa bahay ay nadatnan ko si Manang Rosing na abala sa kusina. Si Manang Rosing ang kasambahay ni Luke, ngunit madalas ay umuuwi na siya sa kanila pagdating ng alas singko ng hapon. “Maam Jade, nariyan ka na pala,” nakangiting bati niya sa akin. Malumanay kung magsalita si Manang Rosing. Maging ang kilos niya ay napakapino. “Opo. Lampas na po ng alas singko, manang, akala ko ay umuuwi na kayo kapag ganitong oras?” nahihiyang tanong ko dahil lampas na siya sa normal na oras ng uwi niya. “Kinausap kasi ako ni Lucas na baka puwedeng magluto ako ng hapunan bago ako umuwi. Sabi niya ay baka pagod ka na daw pag-uwi mo,” paliwanag niya habang abala sa pagluluto. “Kasalanan ko din naman at hindi ako nakapagluto agad kaya ginabi na ako.” “Nakakahiya naman po sa inyo.” “Huwag ka po ma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD