Chapter 15. So Far (Edited Version. Chapter 15
Autumn Gu
Elites are elusive based on my whole week observation. Marami akong nakilala na katulad kong average, pero nakipag lapit din ako sa ibang commoners and gangsters. I tried to talk to one of my elite classmate but he just shrugged me off. Hindi ko alam pero nahihirapan akong lapitan ang iba.
Sa loob ng isang linggo, marami rin akong nalaman dito sa Frontier na wala sa files na nabasa ko. May TOP10 rito kung tawagin. They're the top students that excels in different fields. They're powerful, stronger and respected. Nakita ko na ang ilan sa kanila, pero 'yung mga nasa Top 5 above, pinaka misteryoso sa lahat.
Every week, nagkakaroon ng street fight sa Frontier field. May mga challenger ang lumalaban at nakikipag pustahan. Parang libangan ng mga mayayaman talaga. And, killing is allowed basta hindi ka mahuli ng council president. Parang ang childish pakinggan except doon sa killing part kung saan totohanan talaga. Ganito ba talaga ang nangyayari rito? Hindi ko akalain na may mga ganitong schools. These students are not normal, they are evil.
Kung sabagay, hindi nga rin naman ordinaryong school ito.
Isle told me about these top 10 being the leaders of this Academy. Narinig niya lang din ito sa kaibigan niyang commoner na si Marou. Isle was being bullied when she came here but this Marou helped her. I met here already, she's young and pretty. Unang tingin, siguradong lampa. Hindi ko lang alam sa paanong paraan niya natulungan si Isle. Pag pinagsama mo kasi silang dalawa, mukhang sabay pa silang iiyak agad kapag nasipa sa mukha.
They are both my companions now. Isle and Marou sometimes asked too much at sa mga minsanang 'yon ay napapaisip ako. She seem to know something. Until I found out she's a friend of an elite woman. I don't know her at wala rin akong balak alamin kung sino ang elite na 'yon.
My target is Ajin Asakura. He's not our main target but he's the chance I got para makalapit sa mundo ng mga Elite. He's distant but I know may kahinaan din siya. Kaylangan ko lang siyang makilala ng lubusan. Sa ngayon, basic info lang ang nalalaman ko sa kaniya.
Ajin Asakura is the second born son of the Asakura Empire head. Kilala rin ang pamilya nila sa Japan at may malaki at malakas na koneksyon sa mga Hokkaido. Their alliance is what keeps them unbreakable. Totoo ngang marami ang importanteng tao rito, karamihan ay mga anak ng mga emperador. Hindi mo malalaman sa unang tingin, kaylangan mo talagang magsaliksik.
Dinala si Ajin dito upang makapag aral ng maayos at ligtas. Pero alam ng lahat na hindi 'yon ang katotohanan. His older brother has thrown him out here dahil isa siyang threat sa korona. His older brother is ruthless but brainless kaya hindi nagiging matayog ang direksyon nito. Natatakot siyang hindi sa kaniya ibigay ang trono kaya pinatapon niya ang kapatid niya rito.
Boe helped me with this information. Hindi naman kasi ganoon ka-discreet ang buhay at information sa kanila dahil hindi naman sila ganoon ka powerful talaga. Kung wala ang Hokkaido, wala rin sila. But based on the data I read, magagaling pa rin ang assassins ng Asakura. They're still an asset and that makes them something.
"Hindi ka papasok?" Isle asked,
Hindi ko sinara ang pinto para hindi na ako bumangon para pagbuksan siya, kaya pagdating niya ay nakahilata pa rin ako sa couch. Nakaligo naman ako pero hindi pa nga lang ako kumakain.
Alas nuebe na rin ng umaga. Hindi na ako nakapasok sa dalawang subject ko.
"Tinatamad ako."
"Babagsak ka niyan."
Nginisian ko siya, "Talaga ba na babagsak tayo, Isle? Kahit hindi tayo pumasok, papasa pa rin tayo dahil sa status natin. Enjoy-in mo na lang 'yung pagtira mo rito." I said that, being the bad influence again.
Wala rin talaga akong ganang pumasok kahit pagpanggap pa ang dahilan. Sawang sawa na akong pumasok. I finished my bachelor already. I can't stand another hour lesson with those professors. Besides, hindi naman required talaga na pumasok at magaral ka ng matino. Para lang 'yon sa mga nangangarap mapasali sa devil's battle. Requirement kasi roon ang katalinuhan lalo sa academics.
Pero para ako na narito lang para mag masid? Magiikot ikot na lang ako sa campus, kakain at mamimili. Sayang naman itong black card na unlimited swipe.
"You have a point. Anong plano mo today?" she asked, mukhang balak din akong gayahin.
"Wala. Kakain sa labas tapos mag gagala?"
"Na naman? Isang linggo mo ng iniikot ang campus, don't tell me hindi mo pa rin kabisado?" Isle,
Natawa ako sa kaniya, "Sa laki ng lugar na 'to, tingin mo madali makabisado lahat? Nakakalimutan ko rin ang iba. At tsaka, nalilibang naman ako sa ginagawa ko."
Tumayo na ako at kinuha ang purse ko. Sinara ko ang pinto ng kwarto ko ganon din sa cr. Automated naman lahat lalo sa main door kung saan biometric lang ang kaylangan para bumukas ito. Paglabas ko, pinunasan ko ang screen ng lock gamit ang panyo para matanggal ang naiwan kong finger print.
"Kamusta pala ang live selling mo kagabi?" tanong ko ng magsimula na kaming maglakad.
"Not bad. Sold out agad at five minutes plus I received higher tips from big clients."
Napailing ako, "Maganda palang negosyo ang cosmetics, no?"
Siya naman ang ngumisi, "Of course, Autumn. Lalo kapag gawa ko. You can put up your own business basta huwag lang din cosmetics para hindi tayo maging mag kalaban."
"Oh, girl! Don't worry, I'm not onto that kind of business. I'd still pursue ours since I would be the one to inherit everything eventually."
"Yeah, kung sabagay." she chuckled, "Before, I envy my Kuya because why was he chosen that position without asking us until I realized it was never really a question or a word to debate. First born child always get to inherit the family business. When I grew up, I also realized I wasn't into it. I don't understand any of it."
"People are different, Isle, and that's okay. Ang mahalaga, masaya ka sa career na pinili mo. Iyong iba nga, walang choice kung hindi sundin ang gusto ng magulang nila kahit pa hindi nila 'yon gusto."
I feel like a life guru or something. Kung sabagay, mas matanda ako kay Isle. Dapat lang na mas marami akong alam. Kidding, she doesn't know my real age. Autumn Gu is just twenty one. Nobody doubts me because I have angelic face.
Kru, kru,
Pagdating namin ng cafeteria, konti lang ang tambay. Lumapit na agad ako sa spot ko at umupo roon, sa tabi ko naman ay si Isle. I pick my usual orders and spent my time on cellphone while Isle is busy with her transactions.
Namataan ko sa malayo si Marou kasama ang katulad kong average na si Nikolaz the lampa boy. Seriously, this circle seem to be full of lampas, ako lang ang hindi. Kaya hindi ako nagtataka na pagtinginan kami minsan. Isang commoner, three average but they all look weak, pati tuloy ako ay nasasali.
Good thing though, wala pa naman ulit akong nakakaaway aside roon sa babae na nasagot ko nung first day ko. Actually, hindi ko na siya nakita after that.
"Nandito pala kayo? Diba may class kayo?" Marou asked,
"Tinamad kami,"
Sumimangot siya pag upo niya sa katabing upuan ko. Umupo rin si Nikolaz na palaging naka yuko. Everytime I mention his name, I remember Nikolai. Nasaan na kaya ang mokong na 'yon?
"Sana all puweding tamarin." litanya ni Marou,
"That's the disadvantage of scholarship. You never stop studying."
Dumating ang orders namin ni Isle, roon lang din siya nahinto sa pag gamit ng iPad. Nag order na lang din 'yung dalawa dahil nagutom din sila sa pagkain namin. While eating, Marou won't keep her mouth shut. Ang daldal talaga ng batang 'to.
"Madalas na ulit akong magisa ngayon dahil palaging busy 'yung best friend ko sa jowa niya. Ako kaya, kaylan?"
"Ang bata mo pa," sagot ko. Inabot ko ang milkshake ko at uminom dito.
"Nineteen na ako, bata pa ba 'yon?" simangot niya.
"Ang taas kasi ng standard mo," singit ni Nicolaz. Maybe I should just call him Nerd.
"I want to court you but you said you want someone like Racliff."
Nagulat ako sa biglang revelation narinig ko. Isle and I couldn't stop but laugh at them.
"You courted Marou? Oh my!" Isle, still processing what she heard.
I can't believe I'm hearing this right now. This is so childish-y.
"And your ideal is Racliff? That's close to fiction." Isle,
"Sobrang mahal ni Racliff ang best friend ko, guys! And, ibang klase kasi kapag tinignan mo siya! He's just super cool with his beast aura." Marou exclaimed while her eyes both in heart shape.
"Sino ba 'yang Racliff?" hindi ko napigilan itanong.
"I told you about the top10 diba?" Isle said, I nodded. "He's the top 1."
Nagulat ako, really? Ganon ako ka lapit sa isang top class? I mean, best friend ni Marou ay girlfriend ng isang top 1. Never ko pa nakita ang itsura ng Racliff na 'yan. Sa Top 10, si Mayui Fukui pa lang ang nakita ko ng malapitan sa top 5 dahil palagi siyang nasa Frontier field at sumasali sa street fight. Palagi siyang nanalo pero sa pandaraya naman. Hindi ko nga maintindihan bakit siya nasa ikalimang puwesto.
"Racliff Adamovich is a triple S assassin in the underground. Galing siya sa Adamovichi Clan—isang pamilya ng mga tanyag na assassin sa Italy."
I note that in mind. Racliff Adamovich, top 1, triple s assassin. Malabo na siya ang hinahanp ko. Mukhang dapat kong kulitin si Boe na humanap pa ng ibang clue para ma-distinguish agad ang hinahanap ko. Hindi puweding anak lang ng isang sindikato dahil marami silang magkakatulad.
"Actually, si Takeo Sato ang top 1 dati but when Racliff came and beat the hell out of Takeo, natalo siya sa ikalawa at nakuha ni Racliff ang ika una. It was a fair game. Nakita namin ng maayos na talagang hindi kayang talunin ni Takeo si Racliff."
Wait, sa aming lahat, itong Nerd na ito ang matagal na rito. Kung tama ako, tatlong taon na siya rito.
"Sino si Takeo?" tanong ko uli,
"Ang council president, Autumn. Ulyanin ka ba?" Si Marou ang nagsabi nito. Please remind me not to slap this kid's face. Baka makalimutan ko ang misyon ko rito at mapatulan ko itong batang 'to.
"It isn't my fault they got ugly names, hindi katanda-tanda." Irap ko sa kaniya.
"Takeo Sato is our council president. He is the Top 2." Isle,
"Nasa Top10 na siya, council president pa? Parang unfair naman 'yon. Dapat ibigay na lang sa iba ang posisyon ng council president." litanya ko.
"He deserves every spot he's got, Autumn. Lumaban naman siya ng patas." Nerd,
"Elite rin siya diba? Ano naman siya?" I asked them,
Saglit na inaalal ni Nerd, "Kung tama ako, ang mga Sato ay alyansa rin ng Hokkaido."
Okay, so Sato where this Takeo Sato came from is also a clan from Japan also with strong connection sa Hokkaido Empire. So this Hokkaido Empire is kind of huge thing in Japan. Kung tama ang hinala ko, ito ang pinaka malaki at malakas na emperyo sa Japan dahilan ng pagkakaroon nito ng maraming ka-alyansa.
Asakura and Sato is both under Hokkaido.
"Oo, tama ka. Guardian ng best friend ko 'yang si Takeo Sato." Marou, this girl, marami rin alam.
Ngumiti ako sa kaniya at nagpakita ng mukhang pagka-chismosa, "Paanong guardian?"
"Si Takeo ay knight ng best friend ko. Not literally 'knight' in fairy tale but knight in empire ranking. Nasa likod lang siya palagi ng reyna o ng prinsesa. Ang mission niya lang protektahan ang sinong nakatalaga sa kaniya. Base sa pagkakaunawa ko ha." Marou,
Now this best friend is starting to scratch my brain. I'm getting curious about her samantalang kanina lang ay wala akong pakialam sa existence niya. I'm not even sure if this curiosity has something to do with my mission o likas na lumalabas lang ang pagiging chismosa ko.
"Your best friend must be an important person, I guess." sabi ko na lang. Ng matapos ako sa meal, sunod kong nilantakan ang desert ko at ang chicken macaroni ko.
"I guess? She's the heiress of the Hokkaido, Autumn. Hindi lang siya basta importanteng tao. Sa kaniya nakasalalay ang future ng Japan." Marou
I took note of what I found out early this morning, and so far, these are my list-mga narinig kong information about these elites.
Ajin Asakura - Asakura Clan - with 'strong' connection to Hokkaido clan.
Racliff Adamovich - triple S assassin - boyfriend of Hokkaido heiress
Takeo Sato - council president - the Guardian of the Hokkaido heiress
Yohan Winchester - the Hokkaido heiress
Punyeta! Puro may koneksyon sa Hokkaido. Masiyado na yata itong malayo sa dapat kong alamin. Dapat ko ng tigilan ang kaka chismis kila Marou. Ibang mundo ang nalalaman ko.