Kabanata VI

3503 Words
~Lucy~ Hindi ko kaagad nasagot ang tanong niya. Parang umatras ang dila ko sa takot na baka masaktan ko siya kapag sinabi ko ang totoo. Bago ko pa man masagot ang tanong niya ay biglang binasag nang boses ni Bennie ang katahimikan sa pagitan namin ni Ron. “Bakla! Nakauwi ka na ba?!” rinig kong sigaw ni Bennie sa labas dahilan para mawala ang atensyon ko kay Ron. “Sandali lang,” paalam ko kay Ron at agad na pinuntahan si Bennie sa labas. “Oh, nakauwi ka na pala, bakla!” Parang binudburan siya ng asin kung makatili. “Anong meron at parang daig mo pa iyong nanalo sa lotto. Nanalo ka ba?” Nakataas na kilay na tanong ko. “Kung nanalo man ako ay hindi ako rito didiretso. Bibili agad ako ng bahay!” maarte na sambit nito, “Pero hindi ako nanalo! Hindi naman kasi iyon ang ipinunta ko rito. Ano ba namang babaeng ito!” “Eh, ano bang meron kung hindi ka naman pala nanalo sa lotto?” Lumapit ito sa akin at pinag-angkla ang mga braso naming dalawa. “Naalala mo ba iyong sinabi ko na si Mr. Hann? Hindi na sa isang linggo ang pagdating niya dahil ngayong makalawang araw na ang dating niya, bakla!” kinikilig na sambit nito, “Kaya kung ako sayo, mag-isip ka na ng mabilis at bukas na bukas ay magpapalista tayo para makasali ka sa pageant of finding a wife ni Mr. Hann!” “Nakapag-isip na ako,” tugon ko. “Nakapag-isip ka na?” Natigilan ako ng marinig ang boses ni Ron at hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Daig ko pa ang nakagawa ng kasalanan sa kaba na nararamdaman ko. Bumitaw si Bennie sa pagkaka-angkla sa akin at sabay naming hinarap si Ron. “May bisita ka pala, bakla,” sambit ni Bennie pagkakita sa kanya. “Kaya pala gusto mo akong tumigil,” malamig na sambit ni Ron at mabilis kaming nilagpasan. Ilang segundo akong natigilan muna bago ko naisip na habulin siya at mabuti na lamang ay mabagal ang lakad niya. “Ron, sandali lang naman!” “Bakit?” malamig na tanong niya habang patuloy pa rin na naglalakad. “Iyong kanina—” “Naiintindihan ko. Hindi mo na kailangan magpaliwanag,” putol niya sa akin at tumigil para harapin ako, “Umuwi ka na, Lucy, baka mapaano ka pa rito sa labas. Mauuna na ako at hinahanap ako ni Von sa bahay,” sambit nito na hindi man lang tumingin sa mga mata ko, “Lagi kang mag-iingat kahit na anong mangyari.” Tinapik niya ang isa kong balikat bago ako tinalikuran. Para akong naestatwa na hindi makaalis sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang huling sinabi niya. Sa sinabi niyang iyon ay parang ito na ang huling beses na magkikita kami. Para tuloy akong nakonsensya sa ginawa ko pero kailangan ko itong panindigan. Alam kong makakahanap pa siya ng ibang babae na mas deserving para sa kanya at hindi ako iyon. Bumalik ako sa bahay na bagsak ang mga balikat. Nadatnan ko si Bennie na nasa loob ng bahay na hinihintay ako at tumabi ako sa kanya sa sofa. Ilang beses ako napabuntong-hininga habang nakasandal ang likuran ko sa inuupuan namin. “Okay ka lang, bakla?” pambabasag ni Bennie sa katahimikan. “Hindi na ako magiging okay,” mahina na sagot ko. “Ano ka bang babae ka! Huwag ka ngang madrama. May opportunity na nga at ang kailangan mo na lang na gawin ay kunin ito,” sambit ni Bennie, “Kaso sayang din si fafa Ron. Mukhang basted na sa iyo. Ang gwapo pa naman. Sayang.” Napangiwi na lamang ako. “Wala ka na ba sasabihin, bakla?” Tanong ko at umarte na inaantok na. “Hmmm.” Tumingala ito sa itaas na tila iniisip kung mayroon pa siyang sasabihin. “Sa tingin ko ay iyon lang naman? Basta update na lang kita kung ano masasagap kong balita kay Bebang. Ang mahalaga ay nakapagdesisyon ka na kung ano magiging plano mo sa buhay!” “Kailan nga ulit ang punta ng sinasabi mo?” tanong ko habang ang tingin ay nasa itaas. “Sa makalawa nga ang dating ni Mr. Hann!” “Sigurado kang mayaman iyan, huh?” Tiningnan ko siya ng nakataas ang isang kilay. “Oo naman! Bilyonaryo kaya itong si Mr. Hann ang problema nga lang ay hindi pa nag-aasawa kaya uuwi rito sa makalawa para maghanap ng Filinipa na mapapangasawa,” sagot nito. “Ilan taon na ba iyang Mr. Hann na iyan?” “Kung hindi ako nagkakamali ay nasa 40’s something pa naman ang edad ni Mr. Hann. Hindi na rin masama, hindi ba?” Tumawa ito na parang mangkukulam. “Oo na!” Umirap ako sa hangin. “Magpapahinga na ako, bakla. May lalakarin ako bukas, eh.” “Lalakarin? So, hindi ka papasok?” tanong niya ng nakataas ang kilay. Umiling ako. “Hindi na ako papasok. Tinanggalan na nila ako ng scholarship.” “Ano?! Tinanggalan ka ng scholarship?!” Napatayo si Bennie sa harap ko. Nakapameywang ito na akala mo si mama. “Ano naman ang dahilan nila para tanggalin ang scholarship mo?” Nagkibit-balikat ako at tumayo na rin. “Aba malay ko sa kanila.” Mahina kong sambit habang nakatalikod sa kanya. “Wala na ako balak alamin kung ano ang dahilan. Kung tinanggal na nila ako, eh, wala na akong magagawa roon. Hindi ko na pipilitin na ibalik nila sa akin iyon.” “Grabe naman sila! Hayaan mo na, bakla.” Lumapit ito sa akin at pinag-angkla ang mga braso namin. “Kapag napangasawa mo na si Mr. Hann ay makakapag-aral ka ulit. Pwedi mo ring ipatumba iyong school niyo na tinanggalan ka ng scholarship!” Pagbibiro nito sa huling sinabi. “Baliw ka talaga. Umuwi ka na nga, bakla, at lalo lang ako napapagod sa mabigat mong braso!” pabiro kong sambit at hinatid na siya palabas ng bahay habang magka-angkla pa rin ang mga braso naming dalawa. Humiwalay na sa akin Bennie. “Oh, sige na! Magpahinga ka na at mag-iingat ka sa pupuntahan mo bukas. Kung gusto mo ng kasama ay sabihan mo lang ako, okay?” Tumango ako at binuksan na ang gate. “Mag-iingat ka. Balitaan moa ko kung may bagong update riyan kay Mr. Hann.” Hinintay ko muna na makalayo si Bennie bago ko isinara ang gate at pumasok sa loob. Agad akong nagpahinga at nakatulog sa sobrang pagod. Wala naman akong masyadong ginawa pero pakiramdam ko pasan ko ang buong mundo. OA man pakinggan pero iyon ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Kinabukasan ay maaga akong gumising. Naglinis muna ako sandali ng bahay bago ako naligo. Hindi na ako nag-agahan pa dahil wala naman na akong kakainin dito kaya nagpasya na akong umalis. Pagkabukas ko ng gate ay nagulat ako ng makitang masama ang tingin ng pinagkaka-utangan namin. Napaatras ako ng pumasok ito at sa itsura pa lang nito ay mukhang mainit ang ulo ng babaeng ito. “Nasaan na?!” mataray na tanong nito habang nakalahad ang palad sa harap ko. “Ang alin po?” tanong ko pabalik sa kanya. Ibinaba niya ang palad at lalo akong tiningnan nang masama. “Hoy, Lucy! Hindi ka ipinanganak kahapon para maging bobo sa itinatanong ko! Alam kong alam mo kung ano ang sagot na hinihingi ko kaya nasaan na?!” Napangiwi ako. “Wala pa po akong pera ngayon at ang sabi niyo ay bibigyan niyo ako ng isang buwan para mabayaran ang lahat ng utang namin.” Tumawa ito nang nakakaloka. “As if namang mababayaran mo sa loob ng isang buwan ang utang niyo, Lucy. Umabot nga ng taon ang utang niyo dahil hindi niyo kayang bayaran!” “Huwag kayo mag-alala. Mababayaran ko na pagkatapos ng isang buwan ang utang namin,” inis na tugon ko, “Hindi niyo na rin kailangan pang pumunta rito dahil ako mismo ang sasampal nang utang namin sa iyo.” dagdag ko. Lumaki ang mata niya sa huling narinig sa akin. “Hindi ko gusto ang tatas ng dila mo, huh! Mabuti nga at binibigyan pa kita ng isang buwan kung hindi ay sa kulungan ka na natutulog ngayon dahil wala na ang nanay mo!” “Tapos na ba kayo?” sarkastiko kong tanong, “Kasi kung hindi pa, pwedi sa susunod na araw na lang? May lakad ako ngayon.” “Aba—” “Sa susunod na araw na lang po!” putol ko at mabilis na nilagpasan siya. Iniwan ko siya sa loob at hinayaang nakabukas ang gate dahil nandoon pa siya. Wala namang mawawala sa bahay kung iwanan ko iyong babaeng mataba na iyon. Nasasayang oras ko sa pakikipag-usap sa hindi marunong makinig at umintindi. Mas importante itong lakad ko kesa sa kanya. Nang makalabas ako ng barangay namin ay agad akong pumara ng tricycle para ihatid ako sa sakayan ng jeep. Iyong pera na inipon ko sa alkansyang kawayan ko ay kinuha ko kagabi para may magamit ako ngayon sa lakad ko. Sa police station ang punta ko ngayon araw para humingi nang update tungkol sa imbistigasyon nila sa kaso ng ate ko. Sunod na pupuntahan ko naman ay ang crime scene kung saan nila natagpuan si ate. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may makikita ako roon kaya kailangan kong pumunta at ang huling pupuntahan ko naman ay ang university kung saan nag-aaral si ate. Gusto ko maging detective ngayong araw dahil hindi mapakali ang isip ko kakaisip kung ano ang ugat sa nangyari kay ate. Nang makababa ako ng jeep ay agad akong naglakad papuntang police station na nasa kabilang kalsada. Pumasok ako sa loob at dumiretso sa babaeng nakaupo rito malapit sa entrada ng station. Tumigil ito sa ginagawa at tumingin sa akin. Alam kong natatandaan niya pa ako dahil sa tingin na ibinigay nito sa akin. “Good morning, Ma’am, nandito po ba iyong may hawak nang kaso ng kapatid ko?” tanong ko sa babaeng pulis na siyang nakaupo rito pagkapasok pa lang sa entrada nitong station. “Naku! Ms. Lucy, wala rito ngayon ang may hawak sa kaso ng kapatid mo. Naka-off duty siya ngayon and sa makalawa pa ang balik niya,” sagot nito. “Pero mayroon na po bang bagong update?” tanong ko at umaasang mayroon na nga. Umiling ito. “Pasensya na pero siya lamang ang pwedi sumagot sa tanong mo, Ms. Lucy. Besides wala rin akong alam diyan. May kanya-kanya kaming kaso na hawak at ang sa amin lamang ang priority namin.” Mahaba na paliwanag nito. “Bumalik ka na lamang sa makalawa para masagot ang katanungan mo.” Dagdag nito. Tumango ako. “Okay po. Maraming salamat.” Sambit ko at naglakad na palabas ng station. Napabuntong-hininga ako nang malalim ng makaalis sa loob. Wala ako napala rito sa police station dahil gaya ng sabi nang babae ay wala rito ang may hawak sa kaso ni ate. Kaya naman sumakay na lamang ako ng jeep papunta sa crime scene kung saan natagpuan ang kapatid ko na bangkay. Halos ilang minuto ang lumipas bago ako nakarating at katulad ng huli kong punta rito ay ganoon pa rin ang itsura. Wala nga lang mga pulis or kahit sino ang narito kundi ako lamang. Gusto ko lang makita ang lugar na ito dahil baka may makita ako na pwedi kong magamit. Kapag napatunayan kong may kinalaman ang lalaking iyon ay mabubulok siya sa kulungan! Pinagmasdan ko muna ang paligid kung may iba akong kasama pero wala akong nakita kaya nagpatuloy ako sa paglalakad. May mga yellow pa ang nakapalibot dito sa crime scene ni ate pero hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa loob nitong abandonadong warehouse. Nang maramdaman ko ang kakaibang lamig na humampas sa balat ko ay napatigil ako. Parang sinasabi nito na huwag akong tumuloy sa loob pero hindi ako nagpatinag. “Kung nandito ka man ngayon ate, aalamin ko kung ano talaga nangyari sa iyo,” sambit ko at nagpatuloy sa loob, “Parang wala naman kasing ginagawa ang may hawak ng kaso mo,” dagdag ko na parang kinakausap lamang siya, “Hindi rin ako kumbinsido sa unang sinabi sa amin ng pulis na iyon.” Napatigil ako rito sa gitna ng makita kung gaano kakalat dito sa loob. Naiisip ko pa lang kung paano pinatay ang ate ko rito ay lalong lumalala ang galit ko sa taong may gawa nito sa kapatid ko. Wala silang mga puso! Nagpatuloy ako sa paglakad-lakad at iniwasan ko na hindi galawin ang mga gamit na narito. Baka bumalik pa sila rito para ipagpatuloy ang pag-iimbestiga. Iisang palapag lang ang mayroon itong abandonadong warehouse pero malaki ang espasyo rito kaya malaki itong tingnan. Wala akong masyadong makita na pweding makatulong sa akin para malaman kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito. Ilang minuto pa akong naglibot dito hanggang sa malibot ko na ang buong warehouse. Wala akong nakita na kahit anong kakaiba kaya naman napagdesisyonan ko ng umalis bago pa may makakita sa akin dito. Nang makalabas ako sa warehouse ay napatigil ako bigla ng makita ang isang pulang sasakyan na saktong kakaalis lamang. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko at bigla kong naalala ang sasakyan ni Mason. Hindi ako pweding magkamali. Sa kanya ang sasakyan na iyon! Agad akong tumakbo para makasakay ng jeep papunta sa university kung saan nag-aaral si ate. Sigurado akong doon ang punta ng sasakyan na nakita ko dahil kay Mason iyon. Ano ginagawa niya sa crime scene ni ate? Sigurado akong may kinalaman talaga ang lalaking iyon! Malakas ang kutob ko. Agad akong pumara nang makarating na ang sinasakyan ko rito sa university. Bumaba na agad ako pagkakita ko sa pulang sasakyan na nakita ko kanina. Sigurado akong ito iyon. Bago pa ako makalapit ay bumukas ang pinto ng driver seat at hindi nga ako nagkamali. “Mason!” malakas na sigaw ko sa pangalan niya at wala akong pakialam Kung ano iisipin nang iba sa akin. Napatigil ito ng lingunin niya ako na tila nasorpresa pa ng makita ako. “Little Lucinda! I didn’t know na bibisitahin mo na naman ako rito.” Nagagalak na sambit nito. Pamartsa akong naglakad palapit sa gawi niya. “Sinasabi ko na nga ba at may kinalaman ka sa nangyari sa ate ko!” Itinulak ko siya dahilan para muntikan na nito mawala ang balanse. “What the f**k?!” inis na sambit nito, “Ano ba ang pinagsasabi mo?!Nababaliw ka na ba?!” “Sir, okay lang po ba kayo rito?” Natigilan ako ng biglang may lumapit sa amin na security guard. Ang mga taong kasama namin ngayon dito sa parking lot ay naagaw namin ang atensyon. Alam ko nakakahiya itong ginagawa ko pero kailangan kong panindigan ito. “Yes, everything is tugon ni Mason nang hindi inaalis ang tingin sa akin. “Okay po, Sir.” Nilingon muna ako ng security guard bago kami nito iniwan. “And you.” Tiningnan ako nang masama ni Mason. “Sinabi ko na sa iyo na wala akong kinalaman sa pagkamatay ng ate mo.” Tumawa ako nang pagkasarkastiko. “Wala? Eh, anong ginagawa mo kanina sa crime scene ni ate?!” “Pwedi ba? Hinaan mo iyang boses mo bago ko pa utusan iyong guard kanina na kaladkarin ka paalis dito,” inis na bulong nito matapos makita ang mga taong napapatingin sa gawi namin. “Tsk. Bakit hindi mo na lang sagutin ang tanong ko? Anong ginagawa mo sa crime scene ng ate ko kung wala ka talagang kinalaman?” muli kong tanong sa kanya. “Hindi ako pumunta roon at bakit naman ako pupunta?” Nakakunot ang noo nitong tanong. “You are accusing me again without evidence, little Lucy.” “Mason!” Awtomatiko akong napalingon sa likuran ko ng may biglang tumawag dito sa kausap ko. Iyong kulay pula ang buhok ang tumatawag sa kanya at nakatayo ito sa gate ng university nila. Nagtama ang paningin namin pero hindi ko ito pinagtuunan pa ng pansin at muling binalingan si Mason. “Umalis ka na rito, little Lucinda,” utos nito, “Next time na pumunta ka rito at pagbintangan na naman ako ay kakasuhan na talaga kita.” Dagdag nito at bago pa ako makapagsalita ay nilagpasan na niya ako. Naiwan ako na parang tanga sa kinatatayuan ko habang sinusundan nang tingin ang papalayo na si Mason. Naikuyom ko ang isa kong kamay dahil pakiramdam ko may tinatago ang lalaking iyon. Kung pwedi ko lang pasukin ang isip niya ay ginawa ko na kanina pa. “Malalaman ko rin lahat ng kasagutan sa tanong ko,” sambit ko sa hangin habang nakatingin sa gawi niya kasama ng kaibigan niya na mukhang manok sa kulay pula nitong buhok, “Siguraduhin mo lang talaga na wala kang kinalaman.” Dumaan muna ako sa sementeryo sandali pagkatapos ko komprontahin ang lalaking iyon sa university nila. Pagkatapos ay umuwi na rin ako sa bahay para magpahinga. Alas dos na ng hapon at hindi pa rin ako kumakain. Hindi ko rin naman nararamdaman na gutom ako kaya okay ng itulog ko na lang ito. “Bakla!!!” Inis kong iminulat ang mga mata ko ng marinig ang sigaw ni Bennie mula sa labas. Kakapikit pa lang ng mga mata ko at parang wala siyang balak na pagpahinganin ako. Parang nanadya itong si Bennie. Hmp! Imbis na ituloy ang pagtulog ko ay bumangon ako para salubungin kung ano ang dala niyang balita. “Oh?” bungad ko sa kanya ng pagbuksan ko siya ng pinto. “Ay! Hagard lang, girl?” tugon nito at pumasok sa loob kahit hindi ko naman siya sinabihan. “Paanong hindi magiging hagard, eh, patulog na ako bigla ko narinig iyang microphone mong bunganga.” Tiningnan ko siya nang masama. “Mamaya ka na matulog, bakla, pag-alis ko!” Bigla niya akong hinila palabas ng bahay. “Bakit ba?” inis na tanong ko sa kanya. “Ano ka ba naman may regla ka ba?!” Bumitaw siya sa akin at pumameywang sa harapan ko. “Wala! Naiirita lang kasi ako,” sagot ko at naupos sa upuan na narito sa labas, “Eh, kasi kanina para lang ako nagmukhang tanga at nagsayang ng oras.” Dagdag ko pa. “Ano ba kasing nangyari sa lakad mo kanina, huh? Para kang timang diyan!” tanong nito na nakapameywang pa rin sa harapan ko. “Kanina pumunta ako sa police station para makibalita kung may bagong update sa case ng ate ko pero wala naman doon iyong pulis na may hawak ng case ni ate,” sagot ko. “Baka naman naka-off duty gaga!” “Iyon na nga ang sabi ng babae kanina. Naka-off duty raw ito ngayon.” “Oh, iyon naman pala, eh. Pwedi pa naman iyan sa susunod na araw,” sambit niya at naupo sa tabi ko, “Oh, tapos ano pa?” “Pagkatapos ay dumaan naman ako sa crime scene kung saan natagpuan si ate—” “Ano?! Bakit ka pumunta roon? Baka mamaya ay nandoon ang pumatay sa ate mo. Nahihibang ka na ba?” putol niya sa akin. “Nagbabakasakali lang ako na may makita na pwedi kong magamit para malaman kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito,” mahina kong sagot, “Para kasing wala namang ginagawa iyong may hawak sa kaso ni ate. “Ano ka ba naman, bakla! Hayaan mo na ang mga pulis diyan. Atsaka hindi naman ganoon kabilis lalabas ang resulta ng pag-iimbestiga nila,” sambit nito, “It takes time before the results comes out.” “Wow, huh? Nakakahiya naman sa English mo,” pabiro kong sambit. “Syempre! Para dama mo iyong sinasabi ko.” Tumawa ito ng nakakaloka. “Iyon lang ba ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan? Kasi kung meron pa ay mamaya na iyan dahil magpapalista pa tayo kay Bebang!” “Huh?” Kunot-noo kong tugon. “Ano ka ba! Bukas na ang dating ni Mr. Hann at may welcome party na magaganap bukas ng gabi sa mansyon nito. Bukas din ng gabi gaganapin ang pageant!” excited na sagot nito. “Ganun ba? Eh, bakit puro kay Bebang? Noong isang araw ay kay Bebang mo rin nasagap iyang balita. Anak niya ba iyong Mr. Hann na iyon?” Bigla ay binatukan niya ako. “Gaga! Malamang siya ang kapitan natin dito sa barangay at first cousin ni Mr. Hann!” “May lahi pa lang hapon si Bebang?” “Tanga, wala! First cousin lang may lahi ng hapon? Nakikita mo naman pagmumukha ng babaeng iyon. Hindi halatang may lahi. Kung lahing aswang baka pwedi pa.” Tumawa na naman ito ng nakakaloka. “Tara na nga, girl! Huwag ka masyadong paka-stress diyan at baka kumupas iyang ganda mo. Sayang!” Kinuha niya ang kamay ko at hinila ako dahilan para mapatayo ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD