~Mason~ Sobrang saya ko na nagustuhan ni Allison ang surprise dinner ko para sa kanya. Seeing her smile is a sign na successful ang ginawa kong surprise. I don't want to take the smile away from her again kaya naman ng natutulog na ang asawa ko ay maingat akong umalis sa tabi niya. Sinigurado ko muna na mahimbing na ang tulog niya para hindi ito magising. Lumabas na ako ng kwarto namin na nakasuot lang ng sando at short, hawak ang cellphone ko sa kamay. Hindi ko na nagawa pa na magpalit ng suot dahil baka makagawa ako ng ingay at magising pa si Allison. I will end my relationship with Heaven without her knowing. Hindi na kailangan pa na malaman ng asawa ko ang kalokohan na ginawa ko dahil tatapusin ko na rin naman ito. Tumigil muna ako ng makarating ako rito sa beach para tawagan muna si

