Alas siyete na pero hindi pa rin ako lumalabas ng bahay namin para pumunta sa acquaintance party ng school namin. Hindi lang dahil sa tinatamad akong magpunta roon kundi dahil sa alam kong may ibang ka-date ang crush ko. "Bakit hindi ka pa umaalis, Brianna? Anong oras ba ang party ninyo?" nakakunot ang noo na tanong sa akin ng mommy ko nang makita niyang nasa sala pa ako at nakaupo na parang wala akong balak na umalis. "Medyo tinatamad kasi akong um-attend, Mom. Wala kasi si Peter dahil reunion ng family niya kaya parang ayaw ko na ring magpunta," sagot ko sa kanya. Hindi ko na sinabi na naiinis ako dahil may ka-date si Dean na ibang babae. At ang pinakasikat na estudyante pa sa school namin. "So, hindi ka na pupunta niyan?" Huminga ako ng malalim bago sinagot ang mommy ko. "Pupunta pa

