"Mom, isama ninyo ako sa Manila. Ayokong maiwan dito nang mag-isa," nakikiusap na sabi ko sa Mommy ko. Pupunta sila ngayon sa Manila para makiramay at makipaglibing na rin sa pinsan ng mommy ko na namatay dahil sa atake sa puso. Ang Daddy ko ay naroon na at doon na lamang sila magkikita. Si Bryle ay isasama ni Mommy samantalang ako lamang mag-isa ang maiiwan sa bahay. May pasok kasi next day kaya hindi ako puwedeng isama nila. Ayaw ni Mommy na mag-absent ako sa klase samantalang ang kakambal ko ay wala namang pasok sa Lunes kaya puwedeng sumama. Ang kaso ako lamang ang maiiwan sa bahay namin. Nakakatakot kayang mag-isa lamang ako. "Huwag kang mag-alala, Brianna. Sinabi ko na kay Amalia na sa bahay ka nila muna matutulog habang wala pa kami," nakangiting sagot ni Mommy sa akin. Nahinto ako

