Nakatingin lang ako kay Quatro habang nagtatalumpati ito. Malapit na ang eleksyon, at puspusan ang pangangampanya nila. Hindi ko napigilang malungkot habang nakatanaw sa lalaking laman ng puso ko. Nahagilap din ng aking mga mata si Tres. Kasa-kasama na ito lagi ni Quatro. Panatag ang loob ko kapag kasama si Tres, dahil alam ko, ligtas si Mayor kapag nasa tabi lang si Tres. Huminga ako ng malalim at lumakad na papunta sa aking kotse. "A-Andra?" Napatigil ako nang may tumawag sa akin. "B-Baby?" Dahan-dahan akong lumingon. "Hi." nakangiting saad ko kay Quatro. Mabilis itong lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "Please, b-bumalik ka na ulit sa akin. Aalis tayo. Hindi na ako tatakbo sa politika." "Quatro!" sigaw ni Tito Damon nang makita niya na nakayakap si Mayor sa akin. "Itul

