"Daphne!" "Hey," bati ko kay Sanjo. "Nabaril si Kaleb. Pasensiya na kung matagal na hindi ako nakipag-communicate sa'yo." "Nabaril? Anong nangyari?!" galit na tanong ko rito. "Konting aberya lang. Si Attorney Cortez ang tanungin mo," sagot naman ni Sanjo. Napabuga naman ako ng hangin. "Marami rin ako inasikaso. Sanjo, natatandaan mo ba ang sinabi ko sa'yo noon na may kapatid akong namatay? Si Michaela?" Napatingin naman ang binata sa akin. Si Sanjo, ang taong pinagkakatiwalaan ko ng lahat. Alam niya lahat ang sikreto ko. "Yes, why?" Huminga naman ako ng malalim. "Buhay ang kapatid ko! Gusto ko imbestigahan mo ito." "Oh, damn! SERIOUSLY?!" gulat na saad ng binata. Napatango naman ako. "Asikasuhin ko muna si Kaleb, basta focus ka muna kay Michaela. Oo nga pala, kamusta si Aleck?"

