"Hija Andra, ikaw na mag-lead ng prayer," aniya ni Mommy La.
Takte! Sinipa ko ang paa ni Mommy.
"Aray, potang-ina! Sinipa mo ba ako, Kiel?" galit na saad ni Mommy.
Kasalukuyang nasa mansion ni Lolo Zeus kaming lahat. Nakasuot pa ako ng damit ng pang-Madre.
"Hindi ah!" agad na sagot ni Daddy Kiel ko.
Matamis naman akong nakangiti kay Mommy.
Pasimple akong bumulong kay Mommy.
"Mom, hindi ako marunong magdasal."
Bigla naman ako kinurot ni Mommy sa hita.
"Heaven hija, ikaw na lang mag-lead ng prayer, may tonsil kasi si Andra," saad ni Mommy.
Pasimple naman akong umubo.
Nakatingin lahat sila sa akin.
Anong gagawin ko, eh sa hindi ako marunong magdasal.
Masama naman nakatingin si Daddy sa akin. Si Kuya Phoenix naman, nakataas ang kilay.
Kaarawan ni Mommy La, at may kaunting salu-salo sa tanghalian. Ayaw niya kasi ng bonggang handaan.
After magdasal ni Ate Heaven, nag-umpisa na kaming kumain. Anak ni Aunt Zen si Ate Heaven, matanda lang ito sa akin ng dalawang taon. Sobrang hinhin at napakabait.
Si Kuya Franz naman na panganay na anak nina Uncle Jaime at Aunt Zen, nasa ibang bansa. May bunso pa silang anak, si Jim na ubod nang pagkababaero.
Dalawa naman ang anak ni Uncle Zack at Aunt Kara, sina Kuya Zethus at Juno.
"Andra, kumusta naman sa kumbento?" mahinang tanong ni Mommy La.
"Ahh… Nagdadasal pa rin po sila... Este, nagdadasal kami lagi para sa kaligtasan ng lahat at masaya naman, Mommy La," malapad na ngiting saad ko.
"Nakatadhana talaga sa iyo ang pagiging isang madre," malambing na saad ni Mommy La.
Nakangibit naman ako. Panay naman ang ubo ni Kuya Phoenix.
Pagkatapos naming kumain nagsitayuan na ang lahat at pumunta sa sala.
"Andra!"
Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Mommy.
May inabot ito sa aking maliit na aklat.
"Ano ito, Mommy?"
"Prayers iyan, sauluhin mo!" inis na saad ni Mommy. "Lintik kang bata ka, kahit isang stanza wala kang alam!"
Nakasimangot naman ako.
"Eh, kayo nga ho, eh, hindi niyo rin alam."
"Malamang hindi naman ako madre, ikaw na anim na buwan na sa kumbento, kahit tatlong words wala kang alam!"
Nakataas naman ang kilay ko. Grabe talaga si Mommy!
"Pareho naman kayong dalawa! At ikaw, Andra, ayusin mo nga ang buhay mo!" aniya ni Daddy na nasa likuran ko lang pala. "Kunsumisyon talaga kayong dalawa!"
Napabuga naman ako ng hangin. Laging galit si Daddy sa amin ni Mommy.
"Alis na po ako, magdadasal daw kami at ipagdadasal ko rin kayo," nakangiting saad ko kay Mommy at Daddy.
"Basahin mo iyan! Kaloka kang bata ka!" Panay pa ang paypay ni Mommy sa sarili niya.
Agad na akong lumabas sa mansion at dumiretso na sa kotse ko. Nakasalubong ko pa si Kerra na naging asawa na ni kuya Zethus.
"Auntie!" sigaw naman ng anak ni Kuya Zethus at ni Kerra.
"Bless ka muna kay Aunt Daphne, babalik na siya sa kumbento," nakangising saad ni Kerra.
Of course, kilala ako ni Kerra mula ulo hanggang paa. Kasama ko siya sa Underground noong bata pa kami hanggang pumasok kami sa military.
Kinuha naman ni Baby Zethro ang kamay ko at nilagay sa kan'yang noo.
"Kaawaan ka ng nasa taas, hallelujah," aniya ko na nagtataka naman ang bata.
Napahalakhak naman si Kerra.
Nagba-bye na ako sa kanila at sumakay na sa kotse ko.
Tinawagan ko na agad si L.A at Gertrude. Wala kasi si Beatrice, nasa Mindanao siya ngayon.
Naibigay na sa akin ni Tito Geo kung saan galing ang tawag na nakita sa cellphone ng dalawang lalaki na pinatay ko. Nasa Tondo, Manila ito at bandang squatter area ang lugar.
Nakangisi ang dalawa nang makita nila ako.
"Magandang tanghali, sister Andra Daphne," aniya ni Gertrude na yumuko pa ito.
Tawa naman nang tawa si L.A.
Dito na kami nagkita-kita sa parking lot ng Monterio Empire building. Pag-aari ito ng daddy ni L.A na si Tito Lance.
"Let's go," nakangising saad ko sa dalawa.
Kotse na ni Gertrude ang ginamit namin.
Hindi na ako nagpalit dahil pang-disguise ko na rin ito.
"So, sa loob mismo ng squatter sa Tondo, ang mga taong gusto patayin si Mayor Quatro Coloner?" tanong ni Gertrude.
"Yeah. Kilala mo naman si Tito Geo," aniya ko sa kanila. Magaling si Tito Geo sa gan'yang pag dedetect ng area.
Pagdating namin sa Tondo, Manila, agad na kami nag-ayos ng aming dadalhin. Nilagay ko sa aking hita ang ang dalawang baril. Nagsuot naman ng sumbrero sina Gertrude at L.A.
Nakangisi ang dalawa sa akin.
Pumasok na kami sa loob ng squatter. May nakasalubong pa kaming mga bata at nagmano pa sa akin at pati na rin ang mga matatanda.
"Kaawaan ka ng kapitbahay niyo," aniya ko sa isang matandang babae.
Mahina naman napatawa sina Gertrude at L.A.
Kinuha ko ang aking baril at umikot kami sa kabilang masikip na kanto.
"Ito na yata ang lungga nila," mahinang saad ko sa dalawa.
Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto.
Maya-maya lang may nagbukas ng pinto.
"Ano kailangan mo?" tanong ng mukhang sanggano na lalaki.
"Magnonobena lang po ako, pangbawas ng kasalanan," nakangiting saad ko sa kaniya, sabay binaril sa ulo. May nilagay kaming silencer sa gamit naming baril kaya hindi agaw atensyon.
Pumasok agad sina Gertrude at L.A, kung anong bilis ko ganoon din ang mga kaibigan ko.
"Anim lang sila," aniya ni Gertrude.
Nilapitan ko ang isang lalaki na sa balikat lang ang tama nito pero ang limang kasama nito ay nasa ulo ang tama at patay na ang mga ito.
"M-maawa ka sister, may mga pa-pamilya pa po ako."
"Sino nag-utos na patayin ang Gummybear ko?" tanong ko sa kaniya.
Nagtatakang nakatingin ito sa akin.
"Potang-ina mo, Andra! Malamang hindi niya makilala kung sinong Gummybear na tinutukoy mo!" saad ni L.A sa akin.
"I mean si Mayor Quatro pala," sabi ko sa lalaki.
"H-hindi po namin alam. Nakausap lang namin sa cellphone at h-hindi namin nakikita ng personal," natatarantang saad nito.
"Baka may kinalaman ito sa politika," seryosong saad ni Gertrude.
"Akin na ang I.D. mo," saad ko sa lalaki.
Kinuha nito sa bulsa ang wallet at inabot sa akin ang I.D. nito.
"Don't worry, tutulungan ko ang pamilya mo, but for now, rest and peace kapatid."
Binaril ko na ito sa ulo.
Binigay ko kay L.A ang I.D. at kinuha rin nila ang mga wallet ng limang lalaki.
"Pupunta muna ako sa munisipyo," saad ko sa dalawa.
"Anong gagawin doon sa anim na bangkay?" tanong sa akin ni L.A.
"Bahala ka na. Ang pamilya nila, ibigay mo sa akin ang info."
Inihatid ako ni Gertrude pabalik sa Monterio Empire.
"Bye sister," asar sa akin ni Gertrude.
Napatawa naman ako.
Sumakay na ako sa kotse ko at pinuntahan si Quatro.
"Good afternoon, sister," bati sa akin ng mga empleyado.
"Magandang hapon po," mahinang saad ko sa kanila. "Kausapin ko lang po si Mayor Quiro," aniya ko sa sekretarya.
"Pasok lang po kayo sister sa loob."
Tumango lang ako at kumatok muna bago ako pumasok.
Naabutan ko si Quatro na kausap ang kan'yang fiancée.
"Sister." Lumapit ang kan'yang fiancée at nagmano ito sa akin.
"Kaawaan ka," maiksing saad ko. "Kaawaan ka ni Lord," saad ko ulit.
Napairap naman si Gummybear sa akin.
"Ah, sister, pakisabi na lang po kay father, next month na pala ang kasal namin ni Quiro," masayang saad ni Glodielyn, ang fiancée ni Quiro.
"Oh… Masaya ako para sa inyo. By the way, salamat pala, mayor, sa donations ninyo sa simbahan," nakangiting saad ko kay Quatro.Kinindatan ko rin ito.
"Wait lang, sister, kuha lang kita ng maiinom, upo muna kayo," aniya sa akin ni Glodielyn.
Nang tumalikod na si Glodielyn, mabilis akong lumapit kay Quatro at mariin ko itong hinalikan.
"s**t, Andra!" mahinang saad niya sa akin.
Nakangisi lang ako na nakatingin sa kan'yang asul na mga mata.
Hinawakan ko ang kan'yang sandata at pinisil ito.
Namumutla naman si Quatro.
"Sister, ito na po ang orange juice niyo."
Humarap naman ako kay Glodielyn.
"Nag-abala ka pa. Hindi na rin ako magtatagal, pumunta lang ako ng saglit dito para personal pasalamatan si Mayor," nakangiting saad ko at tumingin kay Quatro. Napalunok naman ang Mayor.
"Ah, ganoon po ba? Maraming salamat din sa'yo sister."
"Sige aalis na ako. Huwag kayo mag-alala, ipagdarasal ko kayo lagi," nakangiting saad ko sa kanila. "Kapag saulo ko na ang ibinigay sa akin ni Mommy," aniya ng nasa isip ko.
Agad na akong lumabas sa opisina ni Quatro.
Mamaya pupunta ako sa clinic ni Mommy, ipapalinis ko ang aking sugat sa braso.
Punyetang buhay ito! Hindi talaga ako makakagalaw nang maayos.