Nakatulala lang ako habang nakahiga sa aking kama. Kalat na mga bote ng alak sa sahig. Nakalipas ang dalawang buwan. Nailibing na sila Mommy at Quatro. Pakiramdam ko, nakakulong pa rin ako sa madilim. Hindi muna ako umuwi sa mansion dahil lalo lang ako malulungkot. Wala na akong mailuha pa. Manhid na rin ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung paano ko ito malalampasan. Sana nga panaginip lang ito. Kahit isang buwan na inilibing ang dalawang tao na mahalaga sa akin, sobrang sakit pa rin. Sobrang sakit na halos isumpa ko na ang lahat. "Daphne?" Tamad ko tiningnan ang mga kaibigan ko. Nandito na rin si HJ at Star. "Cheer up, Daphne. Tara manlalaki tayo," aniya naman ni HJ. Tamad akong tumayo at dumiretso sa banyo. Hinayaan kong mabasa ang buong katawan habang nakatulala. Bakit

