"Kaya mo ba?" tanong sa akin ni L.A. "Of course," taas noong sagot ko na nakangisi pa. Tinalian ko ng tela ang magkabilaang kamay at sinigurado ko na maayos mamaya ang paggalaw ng aking kamay. "Hindi mo kailangan sakripisyo ang buhay mo para makaalis sa grupong ito, Daphne!" galit na saad naman ni Gertrude. Yes. Nandito ang mga kaibigan ko. Si HJ na lang ang hindi pa dumating. "Hindi ito katulad sa organization na kinabibilangan natin. Iba ang rules nila dito. Hangga't kasapi ka sa organization nila. Hawak ka nila habang buhay sa leeg. Kahit pamilya mo, hindi nila palalampasin!" diin na saad ko naman. "p*****n ang labanan, right? Isa lang ang puwede mangyari. Uuwi kami sa Pinas na kasama ka, alive and kicking or bitbit namin ang kabaong na laman ka," seryosong saad naman ni Althea.

