Kaye’s Point of View Nakakahiya ang ginawa sa akin ng babaeng ‘yon. Galit na galit pati si Angel sa nangyari. Paglabas namin sa presinto, marami ng media na nag-aabang. Nakailang tawag na sa akin ang ABS-CBN at GMA para kuhanin ang side ng kwento ko. Nagngingitngit ang kalooban ko sa mga sinasabi nito sa interview. “Girl, kung ako sayo magbigay ka rin ng interview. Once and for all,” Lise said while we are doing the final fitting of her gown. Magkakasama kami sa boutique ko sa Country Club. Natapos ko na rin ang mga gown naming na isusuot for her wedding this coming weekend. My friends from show business and outside show business already informed me of their support. Good to hear that they don’t believe her fake tears. “Yeah, I was thinking about it. Baka after na ng kasal ni Lise,” I

