Nagising si Julius sa sunod-sunod na tunog ng doorbell. Sabado ngayon at plano niya sanang magtagal sa kama at magpahinga. Medyo naging busy siya mula nang magkita uli sila ni Cindy. He actually chose to be. Gusto niyang makalimutan ang pinagsaluhan nilang halik. Kung hindi lang siya nagpadala sa emosyon niya, mas madali sana niyang makakalimutang may ibang ‘sweetheart’ na si Cindy. He wore his shirt and went down to check who his visitor is. Wala siyang ibang maisip kung sinong bisita niya. William and Aaron are both busy lalo pa at inaayos nila ang launching ng international book ni Bianca, ang wife ni Aaron. Napangiti siya sa alaala kung paanong sinuyo ni Aaron si Bianca noon para lang magkabalikan silang muli. True love talaga ang natagpuan ng kaibigan dahil kahit na matagal na hindi

