“You want to break up with me? Cindy naman, huwag kangmagbiro.”Nagulat si Julius sa sinabi nito kaya napahilamos ang kamay sa mukha niya at naihinto ang kotseng sinasakyan. One month after mailibing ang papa ni Cindy ay masayang-masaya si Julius dahil sa wakas ay nayaya niya ito na kumain sa labas at mag-unwind sa halip na magmukmok sa kwarto gaya ng ginawa nito mula nang mamatay ang ama. Ang akala niya ay magiging maayos na ang lahat at babalik na uli ang masayahing Cindy na nakilala niya pero nagkamali siya, iba pala ang plano ng asawa. “I don’t want to lie anymore to myself or to you, Kuya Julius. Sa tuwing nakikita kita, naaalala kong ako ang may kasalanan kung bakit hindiko nayakap ang papa ko bago siya mamatay.Sana . . .sana hindi na lang ako nag-stay para makasama ka at piliting m

