Brewing trouble

2231 Words

Mabilis ang naging pagmulat ni Sheryll ng mata nang maulinigan ang kakaibang lamig at pait ng kung anong tinig sa paligid, mabilis ang kanyang naging paghinga at naroon ang kakaibang sikip sa kanyang puso dulot ng haplos ng nagyeyelong hangin, kasabay noon ang mga panaka-nakang kurot sa kanyang dibdib dahil na rin sa nadarama. Nabalik lamang siya sa ulira nang mapalingon sa kanyang tabi at madama ang maaruga at mainit na mga bisig ni Raymond na nakapulupot pa rin sa kanyang baywang. Nahihimbing pa rin ito nang mga sandaling iyon na mayroon matamis na ngiti na tila ba sa isang anghel. Maganda man ang nakikita at nadama niya ng mga oras na iyon, pero agad din inilihis ni Sheryll ang atensyon nang madinig nanaman ang nakapanginginig na tunog. Maingat at dahan-dahan siyang kumawala sa mga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD