Camille “THIRTY MILLION PESOS! I hope it's enough for paying your cooperation and being the best actress in town. But you need to promise me that you won't tell them the truth or else you'll regret it. Ipapatawag na lang kita kung kailangan kita,” wika ni Zoey Adeline Zurich sa akin. Tumango lang ako habang hawak ko ang briefcase na naglalaman ng limpak-limpak na salapi. Binayaran ako sa halagang natanggap ko upang ipambayad sa pagkakautang ng nobyo kong si Brix sa grupo niya. Tinanggap ko ang usapan namin ni Zoey na nalaman kong pinsan pala ng magkapatid na Zurich. Desperado ang side ni Zoey na makuha ang yaman ng pamilya ni Kinne at ang nobyo ko naman na nangangailangan. Sa totoo lang, mahirap sa akin ang bagay na ito dahil napakabait ni Kinne sa akin. Kaya lang marami siyang pagkukul

