GABI na ako nakabalik sa bahay at wala pa rin si Wigo. Nakakaramdam na ako ng pagod at naghihikab na rin ngunit kailangan ko pa maghanda. Hindi ko alam pero may kutob akong babalikan kami ng grupo ni Brix o kaya naman ng mga tauhan ni Tito Mateo. Bumaba ako sa basement kung saan naroon ang mga gamit ko mula space hanggang sa military service. Napag-alaman naming marami na pala naging biktima at lulong sa droga ang nobyo ni Camille. Hindi ko lubos akalain na ang magiging buhay namin ng asawa ko ay magkakaroon ng action-adventure. Marami akong computers sa loob at lahat ng mga cameras sa bawat sulok ng bahay ni Wigo, nakabukas. May mga alarm system na rin akong pinagana para sa oras na may sasalakay, handa kami. Alerto ang isipan ko dahil ayokong malagay din sa panganib ang buhay namin ni W

