Chapter 34

1023 Words
Hindi kasi bagay sa kaniya. I am not used of hearing him na gano'n pinagsasabi, pero in fairness din kasi kahit papaano ay naramdaman kong gusto niyang gawin 'to sa akin. Tinulongan niya lang akong ilagay sa pantry namin mga pinambili ko, pagkatapos ay nagsambay na rin siya ng mga labahan. Confident naman ako na ipasambay sa kaniya dahil puro kay itay mga damit at walang undies. Natapos ko na kasi kagabi pa kaya 'yong mga natirang isasambay ay mga pantalon at t-shirt na lang. "Keish.." "Op?" napatingin ako sa labas nang narinig ko na tumawag si Dane. Nagluluto kasi ako ng barbeque ngayon for our meryende. "Someone's looking for you." Oh. Napataas kilay ko. Sino naman kaya? Pinatay ko muna ang kalayo sa kalan saka ako lumabas. Nasa pinto lang si Dane naghihintay habang tinitignan ako. Bigla naman ako nahiya dahil sa entrance ko, titig na titig siya sa akin 'e. "Sino 'yan?" tanong ko kahit halata naman na hindi niya kilala. He just shrugged off kaya dali-dali na lang ako lumabas. Nang nakalabas ay nagulat na lamang ako nang makita ang guro ko noong day care pa lamang ako na ngayon ay kapitan na ng baryo. "Hello, Keisha.." "Hello po, ma'am!" kaagad na bati ko saka nilapitan siya at nagmano. Nakasanayan na ng lahat dito na magmano sa tuwing may matanda na makakasalulobong, bumisita sa bahay o kahit bisita rin sa kanila. "Naparito po kayo," sabi ko sa kaniya nang nakangiti. "Oo naman, kasi naghahanap kami ng magvo-volunteer sa feeding program bukas, bago ang unang araw ng fiesta. 'E nandito naman kami sa lugar niyo, napag-isipan ko na dumalaw at kamustahin kayo lalo na ang itay mo, kamusta na siya?" Napatango naman ako. Hanggang ngayon ang ganda niya pa rin at mabait. No wonder na hindi nag hihirap 'tong baryo namin at walang malnurish na bata dahil mabuti ang pamamalakad niya. Iba talaga kapag binoto mo 'yong tapat at may magandang rekord, kasi ang reulta ay good governance. Tulad na lamang nito, 2 times a week ang feeding program ni kapitana, tapos kada buwan ay may ayuda ang single parent tapos may pa tablet pa sa mga bata. Ilang taon niya pa lang ay sobrang dami na niyang nagawa, kung siya sana ay naging kapitana na sa panahong nag-aaral ako, siguradong makakapagtapos ako ng college ng 4-year-course. Pero masaya ako ngayon sa tinatamasa ng baryo namin, dahil ang pera ng taumbayan ay napupunta talaga sa magandang proyekto. "Nako ma'am, okay naman po so far si itay. Ayon nga po, pinapayagan ko na siyang lumabas at pumunta sa bukid dahil baka hindi na ako kausapin sa sama ng loob kapag bawalan ko pa," natatawa kong sagot. "Pasok po muna kayo." Pinapasok ko sila saka kami umupo sa sala, habang sumignal naman si Dane na sa labas lang siya. Nang makaupo kami ay napatingin siya sa labas. "Boyfriend mo?" kinikilig na sambit nito. Kaagad naman ako umiling para itanggi. "Boss ko po." Napatikom kaagad siya ng bibig pagkatapos kong sabihin 'yon. Buti naman at hindi na niya hinaluglog pa ang topic. "By the way, kamusta maintenance ni tatay mo? Bakit hindi ka man lang lumapit sa akin, alam mo namang hindi na kayo iba sa akin." “Ayon nga po, okay naman po. Nakakuha naman po kami ng financial assistance, okay na po ‘yon,” nahihiya kong sambit. Umiling lamang ito at kinuha ang wallet sa bag niya. “Nako, hindi pwede. Kayo pa ba hindi makakatik ng project ko? Ito. Tanggapin niyo.” Namilog mga mata ko nang makita ang isang sobre na sobrang kapal. Kahit naman hindi ko buksan ay halata naman na pera ang lahat. “Nako, huwag na po. Okay na po talaga.” “Sige na, tanggapin mo na. Para naman sa itay mo.” Saka niya ito siniksik sa kamay ko. Nang ibigay ko sa kaniya ulit ay tumayo na ito at lumayo sa akin. “Oh siya! Alis na ako ha! Huwag na huwag kayong mahiya na lumapit sa office ko,” aniya saka kumaway at nagbeso na sa akin. Dali-dali naman itong lumabas kaya hinabol ko. “Ma’am!” Tawag ko. “Oh?” Napaharap ito sa akin. Huminga ako nang malalim at mas lalong hinigpitan ang hawak ko sas sobre. “Ako na po ang magvo-volunteer bukas. Ano pi oras?” Nakita ko kung paano lumiwanag ang mukha niya sa sinabi ko. Napangiti na lang din ako dahil nakikita kong masaya siya sa narinig niya. “Talaga?” Pag-ulit nito. Tumango naman ako kaagad. “Opo!” “Alas 9 ng umaga. Doon lamamg sa basketball court natin.” Sinabi na niya sa akin mga dapat kong gawin. Saktong pagkahatid at pagkaalis niya ay nakita ko hindi makalayoan si Dane kasama si itay na masayang naglalakad papunta rito. Tumatawa si itay at umaaktong bata. Habang si Dane naman ay sinasabayan niya ito. Taoos biglang sumeryoso na naman ulit ang mukha ni itay kaya tumahimik nask Dane. Nang malapit na sa amin ay kaagad naman nagsalita si itay na siyang nagpatawa sa dalawa. Natatawa na lang din ako kasi mukha silang mag-ama. Ang saya lang makita na nagkakamabutihan na silang dalawa. “Tay!” Tawag ko sa kaniya nang nasa harap ko na siya. Nagmano ako sa kaniya at ni-bless niya ako. “Kumusta po ‘tay?” Dagdag ko pa. Pumasok na kami sa gate at nagulat na lamang ako nang biglang may humawak sa bewang ko at isa naman ay kamay. “Careful,” aniya kaya napatingin ako sa kaniya. Nagsisimula na namang magsiunahan ang puso ko sa pagtibok. Hindi naman ako makahinga dahil ang lapit ng aming mukha. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Jusko. Bakit ba ang hirap ng challenge na ‘to? Seryoso makikipagtitigan sa Diyoza? Kaya ayon, kaagad ako umiwas ng tingin at pinagpag sarili ko. Hindi naman ako madudulas. Nang biglang... “Aaah!!!” Napapikit ako at hinintay ang akig sarili na mahulog pero hindi man lang ako napaupo sa lupa. Nang dumilat na ako ay napalunok ako sa mukhang kaharap ko. “I told you to be careful. Sa akin ka dapat mahulog, hindi sa lupa.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD