Ilang araw na ang lumipas nang napagdesisyonan ni Rako na maglagay ng CCTV sa bahay. Ilang araw na rin ang balit-balita na may nagnanakaw talaga. Sobrang alarming dahil sa loob ng ilang taon na pags-stay ko rito ay ngayon lang nangyari ang nakawan na ganito, lalo na hindi pa nahuhuli ang suspect. I mean, I couldn't blame why there are people na gugustohin magnakaw dahil nga mayaman naman talaga ang lugar na ito at sobrang dami silang makukuha. I understand how hard life is, mayroon mga mahihirap na walang choice kundi gumawa na lamang ng masama para lamang makasurvive sa isang araw. I couldn't blame them for they are also a victim of bad governance. Kung sana ang pera ng taong bayan ay napupunta lamang sa mga tao at hindi sa bulsa ng mga politicians, edi sana walang naghihirap nang ganito

