Kiesha Marquez
Ang init. Buti na lang naubos ko paninda ko. Matutuwa si inay 'to. Nakangiti kong sinalubong si aling Isme.
"Aling Isme! Una na ako sa'yo ha? Hina ka naman pala 'e nauna naubos paninda ko." Sigaw ko kay aling Isme na nakaupo pa rin habang bantay-bantay ang paninda. Medyo katandaan na ito pero hindi naman sobrang matanda. Ang cute nga niya 'e, walang ngipin.
Tumawa ito saka tumayo, "Paano ba naman 'e napakadaldal mong bata ka. Lahat na lalapit sa akin aagawin mo, pasalamat ka at mahal ko magulang mo."
"At kung hindi?" Kaagad kong sirit.
"At kung hindi, papaalisin kita rito! Nang-aagaw ka ng customer 'e!"
Lumapit na ako sa kaniya at tumawa rin.
"Ngayon lang naman po 'to 'no, saka kailangan talaga. Mahal mo naman ako. Ninang kaya kita sa pagkakaalam ko, kaya ito na 'yong pamasko mo sa akin over the past years simula noong nabinyagan ako!" Tumawa siya nang napakalas.
"Oo na! Wala akong talo sa bunganga mo talaga!"
"Oy, hindi ah! Talo mo kaya ako sa ano.."
"Sa ano?"
"Sa chismisan!" At humalagpak ako ng tawa.
"O, una na lang po ako ha? Ingat ka. Kitakits sa baryo!" Kaagad ko na dagdag baka magalit pa sa akin 'e!
Nagmano na rin ako at bumalik na sa pwesto ko. Inayos ko na mga paninda ko at inilagay sa lalagyan. Nang natapos na ay kaagad ako nagtungo sa terminal para umuwi. Lumuwas pa kasi ako sa bayan 'e. Kailangan talaga kasi wala naman kaming pera, gustong-gusto ko rin naman tumulong. 'Yong palay kasi ni tatay ang hihina, palaging nilalaspag ng mga salot sa pananim! 'Yong mga daga at kung ano ano pang animal!! Animal talaga nila.
At isa pa, walang naman akong gagawin. Malaki na ako at hindi na palamunin kaya kailangan ko na magtrabaho. Kulang pa nga 'to sa araw araw namin dahil matanda na sila inay at itay, ayaw ko na sila pagtrabahoin pa.
Sumakay ako sa bus at dumiretso na kaagad sa pinakadulo. Pumwesto ako malapit sa bintana para makalanghap ako ng fresh air. Ang init kasi! Namamasa na ang kili-kili ko sa pawis. Pero in fairness ha! Wala akong putok! Huwag kayo. Hindi niyo ako mabu-bully.
Nakangiti akong tumitingin sa labas nang may kumalabit sa aking babae.
"Miss, pwede ako na lang diyan? Hindi ako sanay sa gitna e," maarteng wika nito kaya napakunot noo ko.
Eh ako rin naman ah!
Nilibot ko paningin ko at nakitang puno na nga ang bus at sa akin na lang walang nakaupo. Grabe! May favoritism yata dito, wala talagang tumabi sa akin?!
Hindi naman ako ganito ka dugyot!
Pinagbigyan ko na lang siya since siya unang tumabi sa akin. Siya lang 'yong naglakas loob kaya medyo okay na lang din. Saka halata sa mukha niya ang pagiging putlain 'e! Baka ma suffocate pa siya sa gitna at ako 'yong may kasalanan ng pagkamatay niya.
Joke!
Nagpasalamat ito at binigyan ko na lang siya ng pekeng ngiti. Hmph. Walang thank you dapat 'e, may bayad kahit pera na lang.
Gold digger yarn?!
Umandar na ang bus at napastretch ako ng kamay. Hay! Sobrang pagod ang buong katawan ko. Madaling araw pa ako nagising kasi kanina para paghandaan sina nanay at tatay, pagkatapos no'n ay nag-igib pa ako at tinapos lahat ng gawaing bahay para hindi na sila makagawa. Nakakapagod! Gusto kong matulog nang napakahimbing!
Napatingin ako sa tv ng bus at nakitang alas 4 na pala. Grabe. Kaninang alas otso pa ako nagbebenta ngayon lang naubos. Pero don't me! Pang dalawang araw na 'to tinitinda ko pero natapos lang isang araw! Ang lakas ko talaga.
Bahagya akong tumihalaya para makapagtulog na rin: Isang oras lang naman ang byahe. At saka, kailangan ko pa pakainin ang biik na alaga ni Aling Kutsing. Mag porsyente rin kasi ako doon kapag nabebenta nila.
Pinikit ko na lang ang mga mata ko at nagising na lang ako nang naramdaman kong nasagi ang bundok ko. Nanlaki mga mata ko nang makita ko ang isang gwapong lalaking nasa tabi ko!
Hindi ako makareact for a few seconds but as I looked at his hand on my mountain, tinabig ko ito at nagsisigaw na dahil sa kaba!
"Wahhh manyak! Wahhh! Kuya may manyak! Tulongggg!!" Walang tigil sa pagsigaw ko habang turo-turo pa siya.
Gulat na gulat din ito, at halatang nagpapanic ang buong mukha niya. Nagsimula na rin siyang mamula.
"No! No! That's not true!"
Nagsitinginan ang lahat ng mga pasahero sa amin kaya mas lalo siyang naging kamatis. Ayan! Deserve mong mapahiya! Sayang ka napakagwapo mo naman!
Naiinis na kaniyang mukha at parang sasabog na sa galit.
"Miss, I didn't mean it. f**k!"
Aba, english talaga!!
Lumapit ang dalawang konduktok at hinawakan ang dalawang kamay nito. Gulat niyang tinitignan ang mga ito na parang nandidiri.
Nakasuot ito ng puting polo at shorts lang. Halata sa balat nito at relo na mukhang mayaman siya. Wala akong paki!
"Mean it? English english ka pa! Huwag niyo 'yan pakawalan kuya! Sa presento kami maghaharap!"
Nanlaki mga mata niya at kinuha wallet niya saka naglabas ng pera.
"Miss you're so noisy! f**k. I'll pay you, how much do you want? I will pay you, just f*****g let me go! I have something important to do," galit ni wika nito.
Nanlaki ulit mga mata ko sa sinabi niya at hinawakan ang dibdib ko na parang sobrang nasaktan ako. Pinagsusuntok-suntok ko siya habang naiyak.
"Bwesit ka! Hindi ako pinalaki para maging bayarin! Harrasment iyon! Isusumbong kita!"
Huminga ito nang napakalalim at pinagilan ako, "So irritating," bulong nito.
Binigyan niya lang ako ng walang emosyon sa mukha! Wala ba talagang pakialam 'to?!
"Alam mo kuya, gwapo ka naman eh. Pero tangina mo, ang manyak mo naman! Oo babae ako, pero hindi ako katulad ng ibang babae na hindi magsasalita 'pag binabastos na! I have my dignity. My reputation. I graduated virgin. I am NBSB! Tapos magpapanyak lang---"
"Keisha Mendez, ha?" Taas kilay niyang tanong habang nakatingin sa ID ko sa palengke!
"Kita mo kuya, tinitignan dibdib-"
"Why would I? If I know, you are only using scatchtape to cover your mound," barumbado nitong sagot.
"Hindi ako flat ah?!" Nangigil kong sabi pagkatapos tinignan ang dibdib ko! May laman naman kaya!
"I don't think so, unless you'll let me feel it again." Mas lalong nanlaki mga mata ko.
"Tama na satsat, ano na miss? Hahatid na ba namin kayo sa presento?" Bored na wika ng isang konduktok.
Bigla na nag-ring 'yong phone ko kaya sinagot ko kaagad nang makita kung sino tumawag.
[Dada si inang mo! Nasa St. Joseph Medicine kami ngayon, dali!]
Awtomatiko akong tumakbo palabas at sumakay ng jeep papuntang hospital. Wala na akong pakialam do'n kung ano gagawin nila sa mukong 'yon. Importanti mapuntahan ko si inay.
"Pa, anong nangyare?" Bati ko kaagad nang nakarating ako sa kwarto nila itay. Sobrang kinakabahan ako. May sakit kasi si mama, breast cancer, kaya nga benenta namin ang aming lote na pinamana sa amin para sa pagpapagaling ni Inay. Ayaw ko pa naman matigok kagaad si Inay 'no, hindi ko 'yon kakayanin.
Kaya okay lang sakin na mawala na lang ang tanging nag-iisang yaman namin dahil wala naman kaming choice. Walang choice ang mahihirap at 'yon 'yong totoo. Sanay na ako. Ang mahalaga si Inay.
"Okay na siya raw anak, nawalan lang ng malay dahil sa pagod. Makakauwi naman tayo mamaya sabi ng Doctor." Sagot ni itay saka niyakap ko siya. Kita sa mga mata nito na nalulungkot siya, edi mas lalo akong nalungkot. Wala na kasing ikakasakit pa 'pag nakita mo ang iyong ama't ina na umiiyak.
Alas otso na ng gabe at pauwi na kami. Binayaran ko na lang 'yong hospital bill kaya ubos lahat ng pera ko. Wala pa naman akong trabaho. 'Yon nga yung dahilan kung bakit galing ako sa Manila dahil sa ka-konting paninda lang ng mga prutas. Naghahanap naman ako ng trabaho ngunit wala talagang may tumanggap sa akin, kadalasan kasi 4years course kinukuha nila. Pero ang natapos ko lang ay 2years course, vocational. Okay naman 'yon, atleast may natapos. Kaya naman taposin 'e lalo na't scholar ako pero choice ko talaga 'to na hanggang doon lang muna ako dahil mas uunahin ko makahanap ng pera panggamot ni Inay. Siya 'yong mahalaga. Education can wait, I don't need to compete with others. Pare-pareho rin naman kaming makakatapos no'n, mauuna lang sila.
"'Yong higaan ng mama mo paki-ayos muna anak," kaagad na sambit ni itay nang nakarating kami sa bahay. Inayos ko na kaagad at tinulongan siya kay inay sa paglakad. Medyo kailangan pa ni inay ng alalay 'e.
"Ayan. Huwag mo nang pagorin sarili mo ah? Dapat kasi sa'yo nay magpahinga, ilang ulit ko na 'to sinasabi!"
Pinahiga na namin siya sa kama at natawa naman ito sa akin.
"Nako, si Inay mo pa talaga sinabihan mo ng ganiyan. E, ayaw na ayaw niya 'yan tumambay lang dito," sabat naman ni itay saka inayos ang mga gamit na dala niya.
"Salamat anak ha, oh siya matulog ka na dahil maaga pa tayo bukas. Maghahanda tayo."
Agad namang kumunot noo ko sa sinabi niya. Anong meron?
"Bakit ho, nay?" Nagugulohang tanong ko.
"''Yong bibili sa atin kasi ng lupa bukas niya na aasikasohin. Galing pa 'yon Manila, mahiya naman tayo 'pag hindi natin mapaghandaan. Saka mabait 'yon anak, sa katunayan ay mas pinalaki pa nila ang kanilang bayad nang nalaman na may sakit ako." Mahabang explinasyon ni inay kaya napangiti ako.
"Ambait naman po nila!" Nakangiti kong sabi.
"Syempre, kumpare ko 'yan! Ka-sabungan ko 'yan noon!" Natatawang wika ni itay.
"Kasabungan? Manok? 'Yong sabong?" Tanong ko at napatango si inay.
"Oo, muntik ka na nga hindi mabuhay e ginawa ba naman niyang anak 'yong mga manok nito! Kaya matanda na kami nang nabuntis ako," may tonong inis pa sa boses ni inay.
Sumimangot ako kay itay. Bigla tuloy ako nagalit sa mga manok! Kapag makakita ako niyan, sasakalin ko kaagad! Mukhang aagawan pa ako ng pwesto, bilang anak 'e.
"Tulog kana, kailangan ng pahinga ng mama mo," natatawang saad ni papa.
"Sige ho. Good night nay tay! Mahal ko kayo!" Saka ko sila hinalikan sa pisnge at lumabas na.
Humiga na ako sa kama ko. Tatlo lang kami sa bahay dahil ako lang ang nag-iisang anak nila. Isa 'yan sa mga rason kung bakit nagpupursige talaga ako dahil gusto ko silang maiahon sa kahirapan.
Nagising na lang ako nang may tumapik sa akin. Minulat ko aking mga mata saka nakita si inay.
"Bangon na. Nariyan na ang bisita. Samahan mo siya kay Itay mo sa palayan. Hindi niya kabisado dito," bungad nito at umalis.
Bumangon na ako saka bumaba. Tinignan ko muna kung nasa sala siya ngunit nakita ko na nasa labas siya ng pinto, nakatalikod. Dali-dali naman akong pumunta sa cr at magsepilyo saka naligo. Nang natapos na rin ako mag-ayos ay bumaba na ako. Tanging suot ko lamang ay pedal saka t-shirt lang. Pambahay lang pero okay na rin, presentable naman.
"Nay? Akala ko ba isang business man na may mga anak, eh bakit parang binata 'yong nasa labas?" Tanong ko kay Inay nang kumuha ako ng tinapay.
"Siya raw inasahan ng kaniyang ama tungkol dito. Alam mo naman na kaedad lang ng itay mong 'yon kaya nanghihina na. Kaya bilisan mo na riyan dahil kanina pa siya naghihintay. Mahiya ka naman." Tumango ako at tinignan ulit ako ni inay.
"Ingat ha, tanga ka pa naman," natutuwang sambit nito.
"Huwag masyadong madaldal, baka mairita sa bunganga mo."
Grabe naman! Ganoon na ba ako kadaldal? Inubos ko na lang ang tinapay saka kumuha pa ulit ng isa lumabas.
Nakatalikod ito kaya sinilip ko siya nang dahan-dahan.
Lumapit ako sa kaniya at tinapik siya.
"Ginoo?" Tawag ko.
Umangat ang tingin nito at bigla lumuwa mga mata ko sa nakita ko.
Pakshet!
"Ikaw?!"
"You?" Bulalas naming dalawa.
"Anong ginagawa mo rito?!"
"What are you doing here?!" Sabay pa rin naming tanong.
Huminga ako nang malalim dahil sa inis at ginawa niya rin 'yon!
Mas lalo akong nainis! Napaka!
Tinignan ko siya, naiinis pa rin ako!
Sabagay, sino ba naman ang hindi maiinis 'pag nakita mo ulit ang nag-manyak sa'yo?