Chapter 6

1199 Words
Mag tre-trentang minuto na kaming tahimik ni Dane habang pauwi. Ihahatid niya raw ako sa condo. Nakapag-paalam na ako kay Dane na umuwi sa probinsya kahit dalawang araw lang, pinayagan niya naman ako kaya sobrang okay na ako ro'n. "Uhm, thank you nga pala," pagbasag ko sa katahimikan. Hindi niya pa rin ako pinansin hanggang sa nakauwi na ako sa condo. Napahiga na lang ako at napapaisip. Akala ko talaga hahalikan na niya ako kanina eh. Pero wala namang rason para halikan ako ulit. Kinaumagahan ay nag-ayos na kaagad ako. Sobrang pasasalamat ko dahil pinauwi niya ako at 2days pa ako doon. Yipeeee! Nag-dial ako sa number ni inay dahil ibabalita ko na uuwi ako. "Anak!! Kumusta?!" Napangiti naman ako sa magandang bungad nito sa akin. Halatang miss niya ako eh. "Nakakahalata ka na miss mo ako nay ah?" Natatawang biro ko. "Sympre-- sandali nga! Anak tatay mo oh nangungulit na kausapin ka." Napatawa ako. Ang kulit nila! "Kumalma nga kayo nay! Hahaha mamaya nariyan na po ak--" "Talaga?! Sandali maghahanda ako!" Napahiga ako sa kama habang tumatawa. Kahit kaming tatlo lang ay sobrang kuntento na ako. Hindi naman kailangan maging madami para lang sumaya. Ang kailangan ay ang tamang pagkakaintindihan sa isa't-isa. Ayan, diyan nakukuha ang tamang timpla sa isang masayahing pamilya. Aanhin mo ang sobrang dami niyong pera, kung hindi naman kayo nagkakaintindihan? "Sige na ho 'nay. See you po! Mahal ko kayo mwa mwa!" Wika ko. Tapos na akong ayosin ang lahat nang napag-isipan kong daanan na lang muna si Dane. Papalabas na ako ng condo nang may nakita akong isang pamilyar na sasakyan. Lumabas ang nasa front seat nito at halos lumuwa ang mga mata ko. Hindi ko alam pero parang biglang nag slow-motion ang lahat. Ang corny sobra pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili kong mapangiti sa gwapong nilalang papalapit sa akin. It's Dane. And he's wearing white v-neck shirt and shorts. Sobrang simple pero bagay talaga sa mukha niyang mala-artista. I admit, gwapo talaga si Dane, hindi siya 'yong tipo na sobrang puti o sobrang itim, kumbaga, katamtaman lang ang puti. Napakabango pa! "You are drooling." Agad ko naman hinawakan ang bibig ko. Peste, ba't naglalaway ako. "Bakit ka nga pala nandito?" Tamang iba lang ng usapan baka bwesitin niya ako. "Sasama sa'yo." Namilog mata ko sa sinabi niya. "Weh? Gago? Hoy paano ang companya?!" Sigaw ko. Napansin ko na tinititigan niya lang ako kaya napaisip ako. Hala, nako! Parang tropa mo lang Keisha ah. "Ah eh, sir hehe bakit kako kayo sasama?" Saka napakamot ako sa ulo. Ngumiti siya sa akin kaya napangiti na rin ako. "Wala lang. Gusto ko lang mag relax and I already told uncle and dad na sasama ako. Nothing to worry about." Ngi. Akala niya talaga outing, 'no? Grabe, pabaya talaga ito. Nagulat ako nang kinuha niya ang dala kong bag saka isinakay sa sasakyan. "Hoy hoy hoy saan mo dadalhin 'yan?" Habol ko. Huminto siya saka humarap sa akin. "Sasama nga ako diba? Malamang sasama rin mga gamit mo sa akin, you dumb." At iniwan akong tulala. Buset 'to. Pumasok na ako sa kotse niya at agad niya naman itong pinaandar. Nakarating kami sa barko at dinala ni Dane ang sasakyan. Marami naman siyang pera eh, so bahala siya. Nakarating kami sa probinsya nang tahimik lang. As in, wala talagang may nagsasalita. Wala naman akong maikwento dahil napansin ko na ang lalim ng iniisip niya, baka maisturbo lang ako. Ang tanong ko pa nga na bakit siya sumama sa akin ay hindi pa nasasagot. Paano na lang 'pag kinausap ko siya ng bonggang-bongga edi magmukha akong tanga no'n. Excited akong lumabas sa kotse niya at nagtungo kaagad sa loob ng bahay. "Nay?! Nayyyyy nandito na akooooo!" Maligaya kong bati. Ngunit wala man lang may sumagot sa akin. Nagtaka ako kaya dumiretso ako sa kusina. Napangiti ako nang makita na may mga handa. Sus, sila nanay nag abala pa. Tinikman ko ito at sarap na sarap ako. Napatalon na lang ako sa gulat nang biglang may nagsalita sa likuran ko. "Nasaan sila?" Si Dane pala. "Hindi ko nga rin alam eh. Tikman mo oh! Ang sarap, luto ni inay!" Nakangiti kong wika sabay abot kay Dane ang adobong manok. Nandiri naman itong tumingin sa akin. Nagulat ako nang pinitik niya ang kamay ko at nahulog ang manok. "Kadiri ka, bakit mo kinakamay?" Tanong nito. Wow ha! "Hoy! Kung kadiri ako, ikaw naman ay walang kwenta! Nahulog oh, sinasayang mo ang pagkain!" Sigaw ko saka tinalikuran siya. Na bwesit ako sa inasta niya. Iniwan ko na lang siya sa kusina at nagtungo sa kwarto ngunit hindi ko pa rin mahanap-hanap sila itay at inay. Lumabas na ako ng bahay at tumungo sa likod pero wala pa rin. Hanggang sa nakita ko si Aling Melda kaya tinanong ko na agad. "Nakita niyo ba sila inay aling Meds?" Nagulat ito nang makita ako pero agad namang nawala ang pagkagulat at napalitan ng malumanay na mukha. "Jusko, mabuti nandito ka. Si inay mo, sinugod uli sa hospital kani-kanina lang." "Po?!" Nanlaki ang mata ko sa sinagot niya. Tama ba ang narinig ko? Baka nabingi lang ako. "Aling naman e-eh," maiyak-iyak kong wika. Ngumiti pa ako sa kaniya saka hinampas siya, umaasa na nagbibiro lang ito. "Huwag nga kayong magbiro," pilit ko pa rin tinatatagan ang boses ko. Hinawakan niya ang kamay ko at deritsahang tiningnan sa mata. Bakas nito ang lungkot. "Ija, puntahan mo na siya. Kakahatid lang ng asawa ko sa kanila. Dali." Napasigaw na lang ako nang may biglang humigit ng kamay ko saka kinaladkad ako papuntang sasakyan. "Turo mo sa akin ang daan." Si Dane. Bumagsak na ang mga luha ko. Iyak lang ako nang iyak buong byahe habang si Dane ay hinahawakan naman ang kamay ko gamit ang kabila niyang gamit. "Don't cry Keish. Pakatatag ka." Paulit-ulit nitong sabi hanggang sa nakarating kami sa hospital. Kaagad naman akong tumakbo sa loob at hinanap ang kwarto ni inay. Hanggang sa nakita ko si Itay na nasa labas nagwawala habang pinipigilan siya ng mga nurse. "Tay! Tay!!!" Sigaw ko at tumakbo papunta sa kaniya saka niyakap siya. Iyak lang siya nang iyak at kahit ako ay hindi ko na rin mapigilan ang luha ko. "T-tay a-anong nangyari?" Tanong ko. "H-hindi! Anak!!!! Mali ang mga doctor!" Humahagolhol na ito. Kumunot noo ko sa sinabi niya kaya hinarap ko ang Doctor. "Doc, nasaan si inay? Anong nangyayare?" Nakayuko ito at biglang tinuro ang pinto. Nakabukas ang pinto kaya kitang-kita ko ang nakahimlay sa loob. Pumasok ako at napaluhod sa nakita ko. Si inay. "Doc! Ano ba! Bakit niyo siya tinabunan ng puting kumot?!" Iyak kong sigaw at lumapit sa kaniya. Nanginginig kong binuksan ang puting kumot at tumambad sa akin ang putlang mukha nito. Niyakap ko siya habang wala pa rin tigil ang pagluha ko. Hindi pwede, hindi! Nakausap ko lang siya kani-kanina lang. "Doc!!!! H-hindi pwede. Hindi siya patay!" Paglalaban ko pa. "I'm sorry, Miss. Dead on arrival po ang nangyari." Halos binagsakan ako ng lupa sa narinig ko. Nakakabingi. Bakit? Bakit sobrang bilis ng pangyayare? Bakit ako pa ang nawalan ng ina? Bakit kailangan siyang mawala? Ramdam ko paghawak ni Dane sa mga kamay ko, "Keish, be strong."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD