Keisha
Pagpasok ko sa loob ay kitang-kita ko ang nakakunot na noo ni Dane. Ewan ko kung ipagpapatuloy ko pa 'to pero sayang eh. 1 month lang naman ang tagal ko dahil pagkatapos nito ay babalik na ako sa probinsya. Alam ko na na siya ang anak ng may ari nito simula nang sinabi sa akin nang tinawagan ako. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit nagkita muli kami.
Medyo nakonsensya lang kasi dinaldalan ko siya kaagad sa una naming pagkikita e. Aba malay ko, baka nagandahan talaga sakin.
"Ganiyan ba ang secretary pumasok? Do you mind if you greet me properly?" Napaayos naman ako saka ngumiti.
"Hi sir, good morning. I am Keisha Mendez po." Yumuko pa ako. Suplado talaga!
"I know." Pilosopo nitong sagot. Bigla naman akong nainis! Tss. Lumabas na daddy niya, hindi tuloy nakita ang totoong ugali ng anak!
Trabaho Keish. Trabaho ito. Normal lang magkaroon ng boss na masungit. Okay? Napapanood mo 'to 'e, dapat handa ka magsupalpal rin.
"Do I have schedule today?" Tanong nito habang tumitingin sa papeles niya.
Automatiko ko naman binuksan ko ang folder saka tinignan. Binigay sa akin 'to ng temporary secretary niya at nasiyahan naman ako kasi ngayong linggo nailista niya lahat ng gagawin ni boss. Hindi ako nahirapan.
"Yes po sir. May meeting po kayo mamayang alas dyes then after lunch niyo po may darating na bisita," nakangiting sagot ko saka tumingin sa kaniya.
Wala siyang maraming sched ngayon. Bukas pa at sa mga susunod na araw. Nako, kung ako sa sitwasyon nito sasakit ang ulo ko. Kadalasan meeting, meeting, meeting. Maybe this is the life of a business man, I guess.
"Okay, you may go." Tinignan ko siya na naglalaro na sa kaniyang cellphone.
Ano raw?
"Po?" Pag-uulit ko.
"You may go. Umalis ka na. Are you deaf?" Iritato nitong sabi.
Napakasuplado! Spoiled brat!
Tumalikod na ako sa kaniya at biglang may pumasok na babae. Napanga-nga ako sa taglay na ganda nito. She's wearing make ups paired with a perfect hair, and sexy revealing body-hug dress na sobrang kita cleavage saka ang curve ng katawan niya. Sobrang ganda. As in! Tinignan ko damit ko at naka pencil skirt naman ako at formal na blouse.
Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa saka inirapan.
Luh, attitude!
"Who is she?" Mataray nitong tanong at nagrampa papunta kay Dane.
Tinignan ko si Dane na napaangat ang tingin saka napatayo kaagad. Kita nito ang sabik sa babaeng kakadating lang.
"Hey, I missed you." Rinig sa boses ni Dane ang lungkot, hindi rin maitanggi ang sinasabi ng mga mata nito.
"I miss you too love!" The girl ran at her and hugged her.
Napataas ang kilay ko. Ow, may girlfriend pala siya. Marunong ako rumespeto sa usapan ng iba kaya lalabas na sana ako nang bigla akong tinawag ni Dane.
"Keisha.."
"Yes po sir?" Agad kong sagot.
Kunot noo naman napatingin ang babae sa akin. Ano bang nangyayari?
"She's Keisha, too." Pagpapakilala ni Dane sa akin, malamang baka tinanong niya ulit.
Lumapit si Dane at ganoon din ang babae.
"Keisha Marquez, meet Keisha Mendez," pormal nitong sabi.
Pareho pala kaming pangalan, wow astig!
"Hi po, another Keisha!" natutuwa kong bati saka inabot ang kamay ko.
Ngunit tinitigan niya lang ito kaya tinago ko na lang kaagad sa likoran ko ang kamay ko. Nakakahiya.
"Oh, okay. Hi. Your personal maid?" Tanong nito kay Dane saka tumingin sakin na parang tae sa daan.
Putangina niya pala eh.
Mukha ba akong tae?! Diring-diri ang tingin eh. Minsan lang ako magmura pero sobrang lutong 'yon!
"No. My personal secretary."
Ayan! SECRETARY HA!
S-E-C-R-E-T-A-R-Y! Sarap mong supalpalin!
Tumawa ito nang peke. "Okay, as if I care?" she then rolled her eyes.
Agad naman siyang kumalabit kay Dane at hinalikan pa ito.
"Love? Ahm, can I ask?" Pabebe nitong tanong.
"Sure, love. Anything," agad na sabat ni Dane.
So pwede naman ako umalis dito diba? Tumalikod na ako at rinig na rinig ko pa rin paglalandi ng babae.
"I want Mercedez, I want new car kasi 'e." Napahinto ako sa paglalakad! Ano raw?! Mercedes? Sa pagkaka-alam ko sobrang mahal no'n ah?
"Love, you already have BMW, what's the purpose of new one?" Dane said softly.
"Okay fine! Kung ayaw mo edi hindi na tayo magkabalikan. Tapos ang usapan, my gosh!"
Napataas kilay ko.
Gold digger spotted!
"No. I'll give you one later--"
"Yay! You are really the best!"
Umalis na ako dahil sobrang toxic ng ambiance. Heto naman si Dane, gora kaagad kahit alam nang ginagamit.
Gwapo nga, uto-uto naman!
Inaliw ko na lang oras ko sa pagmo-mobile legends. Nilalaro 'to ng mga bata sa amin kaya napasabak din ako. 'Pag natatalo kami, minumura ko 'yong mga kasama ko kahit ako naman talaga 'yong cancer sa grupo. Wala lang, ansaya kaya makipag-trashtalk sa moba! Tamang sigaw lang ng bobo.
Bumalik na ako sa office ni Dane nang tinawag niya ako. Akala ko wala na 'yong GD pero kumakalabit pa rin kay Dane.
"Call Mr. Suaren for the car offer. Name the buyer as Keisha Marquez because she'll be the one who will be using that."
Sobrang lapad naman ng ngiti ni another Keisha.
Kaya pala hindi pa umaalis kasi hindi pa nakuha ang gusto. Char! Judger ko naman!
Ginawa ko naman ang dapat gawin hanggang sa natapos na ang walang kwentang gawain.
"Excuse me, I'll get my car!" Sabay tabi niya sa akin.
Hindi ko alam pero siguro sobrang napalakas nang pagtulak niya kaya tumilapon ako sa sahig.
Nanlaki mga mata ni Dane at kaagad ako pinatayo. Gulat din si another Kiesha sa ginawa niya.
"Ops, sorry. You should eat more so that you will not be weak. Hay," bumuntong hininga pa ito. "Sabagay, maybe you are just so poor at hindi nakakain nang maayos."
"Love!" Sigaw ni Dane.
"You should not treat here like that!" Dagdag pa nito.
Tumawa si another Kiesha. "Why? Is it true naman eh? She's just a poor scummy girl who lives in a City. What a shame!"
Sasabat pa sana si Dane pero biglang tumaas ulit boses ni another Kiesha, "What?! Kakampi ka sa dugyot na 'yan? Ew! Excuse me, I'm gonna get my new car and leave this nasty place!"
Ramdam ko na lang ang luha ko na tumulo mula sa mga mata ko.
Why does she has to be mean?