Dalawang araw na simula 'yong ganap sa party pero sa loob ng dalawang araw na 'yon ay hindi ko pa rin makalimutan 'yong 'you look so beautiful tonight' enebe!!
First time kong nakatanggap ng compliment kay Dane kaya alam kong totoo iyon. Tudo iwas naman sa akin si Dane sa office, minsan hindi ko na alam kung may silbe pa ba ako dahil kakasabi ko pa lang ay alam niya na kaagad. Hindi kami masyadong nag-uusap kasi medyo naging busy siya. Hindi naman ulit ako pinapansin, mas naging cold pa ngayon nang nalaman niya na finollow ko si Drake.
Napatingin ako sa phone ko nang nagtext na ang palawan na nahulog na raw ang pera. Binigyan na pala ako ng advance sweldo ni Dane kahapon at ngayon lang ako nakapagpadala dahil naglinis ako ng condo. Umalis na ako sa palawan saka pumara ng taxi, tuesday ngayon at may trabaho pa rin ako 'no, nagpaalam lang ako kay Dane sandali para makapaghulog.
Nang nakarating na ako kay hindi ko nakalimutang ang bilin ni Dane, dumayo muna ako sa Starbucks saka binilhan siya ng kape.
"Name ma'am?" Napangiti ako sa cashier.
"Dane." Biglang nag-'o' formed bibig nito nang narinig pangalan ni Dane.
"His personal..?"
Aba, chismosa!
Dahil maloko ako ay ngumiti ako nang napakamalapad, "Girlfriend."
Kita sa mukha niya ang pagkagulat at dali-dali naman nilagay pangalan ni Dane. Takot pala eh!
Naghintay lang ako nang ilang minuto at nakuha ko rin. Napakaplastic, kanina-kanina lang mukhang diring-diri sa akin tapos ngayon tudo ngiti.
"Ma'am, if Dane needs secretary, I'll be right here!" Plastic nitong wika.
I just gave him awkward smile and went outside. Nyenye, aagawan pa ako ng pwesto.
"Tsk, slow poke." Bungad kaagad ni Dane nang inabot ko na ang coffee niya.
"Wow ha? Mahaba kaya pila sa Palawan!" Depensa ko kaagad saka umupo.
Kinuha niya ang coffee mula sa paper bag dala ang tissue nito. Kumunot noo niya habang nagbabasa sa sulat sa tissue.
"What did you just say to the staff of starbucks?"
Ha?
Agad ko hinablot ang tissue sa kaniya saka binasa.
Hi sir Dane! Your girlfriend is so beautiful and bubbly. She even told me that if you need secretary, she'll introduce me to you. Kind, isn't she? I can't wait to work with you and with your lovely girlfriend!! ^^
Ambisyosa!
Hindi naman ako nagsabi nito ah?
Ang sinabi ko lang girlfriend pero hindi ko sinabi na kunin siya secretary!
"Girlfriend, huh?" He smirked.
"Boss hindi ako nagsabi niyan! Hustisya naman, promise hindi talaga—"
"Why wouldn't you tell her that your boyfriend is the Chef?" Kalmado nitong sagot.
Napakamot na lang ako. "Hindi ko nga siya boyfriend!"
"But he'll invite you for a dinner, isn't he asking to court you?"
Napangiti ako. Paano niya nalaman? Unless ni-stalk niya ako sa IG dahil nagcomment si Drake do'n na "The dinner." tapos nag response ako kaagad! Hmm.
"Ba't mo alam 'yon? Ikaw ha! Stalker!" Sabay hampas ko sa hangin at tumawa.
"The hell? I don't care if you both active on i********:, okay? I don't f*****g care."
Napahalagpak ako sa tawa. See! Stalker!
"Gusto mo ba ako? Just tell me, oh come on! It's 2020," mayabang kong sabi na parang si Nadine Lustre.
"In your dreams. Go out now! I don't need you anymore." Saka uminom ng kape.
"Sana kape na lang ako," bigla kong sabi kaya napatingin ulit ito nang nakanunot 'noo.
"Para dilaan mo rin ako. Ayieee!"
Nasamid ito at tinignan na naman ako nang masama. Sus! Alam kong kinilig 'to e.
"Oy libre kiligin! Pati ako available for you," saka nag wink pa ako. Ngingiti na 'yan!
Tumigil lang ako kakatawa nang tumayo ito.
"I'm serious, Keisha," madiin nitong wika.
"Bakit ako? Seryoso rin naman ako sa'yo ah?" Tumawa pa ako nang mas lalo siyang nainis.
"Keisha please, sumasakit na ulo ko sa'yo." Kalmado pa ring sabi nito pero halata na sobrang naiinis na siya sa ginawa ko.
Bakit ba kasi ang cute asarin nito? Ngayon ko lang napansin para siyang baby boy!
"Ayoko!" Saka bumelat pa ako.
Umupo ito at hinilot sentido niya at nilawayan ang lower part ng lips nito saka kinagat. Gwapo talaga!
"Alam ko na paano ako tatahimik," biglang sabi ko kaya napatingin ito sa akin.
"What?!"
"Halikan mo ako," nanlaki mga mata nito kaya napatawa naman ako nang napakalakas.
"Joke lang!" Bawi ko kaagad at tumakbo papunta sa pinto nito.
Buong araw ay inasar ko lang si Dane nang inasar hanggang sa gumabi na. Hindi talaga boring asarin ang mga pikon dahil mas matutuwa ka sa reaction nila.
Kinabukasan ay ako na nag asikaso lahat nang iniwan ni Dane dahil may date daw sila ng higad! Hmp. If I know, magpapabili lang 'yon ng bagong bag.
Habang wala pa si Dane sa office ay sinaniban naman ako ng kasipagan. Nilinis ko ito buong maghapon since wala tapos naman ako mag fill in ng mga forms na kakailanganin. Habang naglilinis sa desk niya ay may napansin akong isang album.
Kinuha ko ito at umupo sa swiveling chair niya.
Since '16 Basa ko sa title.
Binuklad ko ito at napansin na puro pictures nila ni Another Keisha. More on travels sila and roadtrip. Bigla tuloy akong nainggit. Heto 'yong mga nakikita ko sa social media na #CoupleGoals. May mga magkahawak kamay, tapos may picture din na hinalikan ni Dane noo ni Keisha, at 'yong pinakamagandang kuha ay 'yong binuhat ni Dane si Keisha tapos ang background ay fireworks with a caption:
'keeping this one, because you are worthy to be kept.'
Sana all.
Sinarado ko na lang ang album at inayos mga gamit niya. Hindi ko alam pero parang nasasaktan ako?
Hindi naman ako inggit 'e. Pero naiimagine ko, sobrang swerte ni Keisha 'no? Lion si Dane sa iba pero sa kaniya nagiging tuta siya.
Napailing na lang ako. Napatingin ako sa phone ko nang biglang nagvibrate.
From Boss Dane:
I know at this time you're already done with your job. You can go home now.
Magrereply pa sana ako nang biglang nagchat siya ulit.
From Boss Dane:
I'm with Keisha right now. Meet me at 8pm on your lobby later. I have something to discuss for tomorrow business. This is urgent.
To Boss Dane:
Okay po! Thank you and see you!
Umuwi na ako kaagad sa condo at sinayang lang oras ko sa panood sa netflix. Alas sais na nang napagdesisyonan kong pumunta sa kusina. Napasamo ako sa mukha nang makitang hindi pa pala ako nakagroceries.
Pinalitan ko ang pajama ko ng short saka nagsuot lang ako ng hood dahil tinatamad na ako magpalit ng damit. Since nasa ilalim lang naman ang grocery store, nag tsinelas na lang ako.
Napatingi ako sa salamin at inayos ang bangs ko. Nakatali lang ako ng buhok at naiwan mga baby hair ko sa mukha. Medyo messy pero okay naman, sa baba lang naman ako.
Kinuha ko na wallet ko at isinirado ang pinto saka bumaba.
Binati ko ang guard nang pumasok ako. "Ganda ng ngiti ma'am ah?" Hirit nito sa akin.
"Syempre guard, nakita kita e!" Natawa naman siya sa sinagot ko saka nag-apir kaming dalawa.
'Yong mga taong nakarinig ay biglang nag-cringe ang mukha. Mga walang joke sa buhay, kaya pumapanget kasi seryoso 'e!
Kinuha ko ang cart at tumungo na sa mga bibilhin ko. Nang natapos ako ay kaagad ko rin naman binayaran saka lumabas ako habang yakap-yakap ang tatlong paperbag laman ng mga pagkain na ready to cook or mga gulay.
"Ako na," napatingin ako sa lalaking kinuha ang dalawang paperbag sa akin.
Si Drake!
Ngumiti siya kaya napangiti na rin ako.
"Hala thank you! Sorry sa abala, saan ka pupunta?" Biglang tanong ko nang makitang nakaporma siya.
He's wearing white plain shirt and gray shorts saka grey suede shoes din.
"Susundiin ko lang sister ko, you know Clarissa right? At the party," nakangiting sagot nito.
"Uy sorry pala ah?"
Kasi naman may kasalanan rin naman ako. Kung hindi sana ako naging tanga hindi sana mangyari 'yon. Sympre kasalanan din naman ni Clarissa 'no! Hmpk. Tumawa lang ito at umiling.
"It's okay, let's forget it."
Sobrang bait talaga nito!
"Let me handle this bro," gulat akong napatingin kay Dane na kinuha ang dalawang paper bag kay Drake.
"No, it's okay." Ayaw pa rin ibigay ni Drake.
"No, it's fine. Ako na," sabay hablot ni Dane ang isa kaya nakuha niya kaagad.
"Bro, what's your prob—"
"May susunduin ka pa diba? Go. We don't need your presence here." Sabay kuha niya ang isa kaya wala nang natira pa sa kamay ni Drake.
Jusko naman Dane!
Magsasalita pa siya sana kaso biglang nagring phone niya kaya kaagad niya naman itong sinagot.
"Yes, kuya is on his way. Okay okay, yes I'll be safe."
Nagsimula nang lumakad si Dane saka iniwan ako. Sumenyas na lang ako kay Drake na muuna na ako dahil hindi pa rin ito tapos kumausap sa kapatid niya.
Nang nakarating na kami sa condo ay kaagad niya naman itong nilapag.
"Napakabastos mo talaga 'pag kaharap si Drake! May problema ka ba sa kaniya?" Inis kong sabi saka hinubad ang jacket ko.
"Isa na lang talaga, maiisip ko na nagseselos ka!" Sigaw ko kaya napatigil ito.
Napakagat ako ng labi, f**k. Bakit ang daldal ko?
"I don't like you okay?"
Ramdam ko ang kirot sa puso ko dahil sa binitawan nitong salita.
Bakit parang nasasaktan ako?
Umiwas siya ng tingin kaya napabuntong hininga na lang ako.
"Just tell me what's the discussion para makapagpahinga na ako," walang gana kong salita saka kinuha ang pinamili ko at inilagay sa refrigerator ko.
"6AM tomorrow. We'll have a charity for the orphans." Kinuha niya sa bulsa niya sa maliit niyang bag ang isang notebook saka binigay sa akin. Ngayon ko lang napansin na may dala pala itong maliit na bag. Naka tshirt lang din ito saka shorts at naka white sneakers. Sa kabilang kamay nito ay phone niya at may hawak na susi ng sasakyan. Gano'n pa rin, hindi pa rin nawala ang maangas na aura nito.
"I want you to call all the persons in that notebook. They have their own label and they already know what to do. You just have to inform them all. The date, the time, and the place. That's your job for tonight. I'll go now." Saka lumabas ito.
Napasandal na lang ako sa sink.
Hindi niya naman pala ako gusto bakit gano'n siya makakilos?
Wala naman siguro rason para ipagtaboyan lagi si Drake 'pag kasama kami diba? O baka assuming lang ako?
Napasabunot ako ng mukha.
Dane! You are confusing me!