"I can't still believe that you remembered me," wika niya habang hawak-hawak ang kamay ko. "Kumain ka na nga muna tayo," sabi ko saka tinuro ang pagkain. Kakaupo lang namin ngayon dahil kakatapos niya lang magwala. Sumisigaw pa ito at nagtatalon habang niyayakap ako. Though I told him that that was the only part of us that I remembered, pero wala lang sa kaniya ito dahil ang mahalaga raw ay naalala ko pa rin siya. Hindi ko maikala na sobrang gaan na ng pakiramdam ko, kahit na gano'n parte lang at kaunti lang, sobrang saya na ng puso ko. Naniniwala ako na ito na ang simula sa pagkakaalala ko sa kaniya, at masaya akong mas makilala pa siya ulit dahil kaunting oras lang ang nailaan namin sa isa't-isa. "Do you know that this is the same feeling that I felt when you said we are official? Pak

