I smiled seductively as I entered the booth. "Hi!" I purred out my greetings to the two men who are busy chatting with one another. "Oh, hi!" Masiglang bati ng mas bata sa dalawa. Tumayo pa ito para salubungin ako. Mas lalo kong pinalambing ang ngiti ko. Gwapo talaga ang isang ito at malakas ang s*x appeal. Nag-aral ako dito sa Martenei kaya nakikita ko sila dati. "Who are you and what are you doing here?" Walang kabuhay-buhay na tanong naman ng kasama niya kaya napilitan akong ilipat ang aking tingin sa lalaking nakatitig sa akin. Kahit gusto kong isaboy sa pagmumukha niya ang lahat ng alak na nasa bote, kahit gusto kong isampal sa kanya ang bote o di kaya ay pagkakalmutin ang mukha niya gamit ang mahahaba at matatalim kong kuko, pinanatili ko ang mapanuksong ngiti sa mga labi ko. "O

