Zeke "Uya, someone's looking for you." Magkadikit ang mga kilay na nilingon ko si Isly. Wala akong alam na maaaring bumisita sa akin dito sa Japan. "Who would that be?" I curiously asked my brother. "His name is Martenei. Ain't that Dad's married name?" Nanlaki ang mga mata ko sa tinuran ng kapatid ko. Agad akong napatayo mula sa bench na kinauupuan ko. Martenei? Si Papa Marcus ba ang tinutukoy niya o si.... "But I don't think he's Dad's husband. He's quite young. I think, he's...." Hindi ko na hinintay pang matapos ang sinasabi ni Isly. Tumakbo na ako ng mabilis papasok sa bahay. Hindi ko maipaliwanag ang takot na nadarama ko ngayon. Alam kong hindi palalampasin ng ama ko ang pagkakataon para saktan si Jai. "Where are they?!" sigaw ko pabalik sa kapatid kong humahabol sa akin.

