MALAYO pa lamang si Yoseff sa tarangkahan ng mansyon nang mapansin niya ang isang matandang lalaking nakatayo sa gilid niyon. Nang makababa siya sa kanyang motorsiklo ay agad siyang nilapitan nito.
"Kayo po ba si Sir Yoseff Gonzaga?"
"Opo. Ano pong kailangan n'yo sa 'kin, 'Tay?" nagtataka niyang tanong.
Saglit pa itong lumingon-lingon sa kanilang paligid bago muling magsalita. "Ako po ang dating katiwala sa Avila Funeral Homes," pagpapakilala nito at bahagyang yumuko, "May importante po sana akong sasabihin sa inyo, Sir..."
"Tungkol po ba 'yon sa negosyo namin ni Victoria?" Sa pagkakaalam niya ay matagal nang naipasara ang punenaryang pinagtatrabahuan nito sa kadahilanang hindi na niya inalam pa, "Gusto n'yo po ba siyang makausap?"
Sunod-sunod na pag-iling ang isinagot sa kanya nito. Hindi na ito muling nagsalita pa bagkus ay unti-unti nang lumayo sa kanya.
"Sandali lang po," pigil niya rito subalit patakbo na itong umalis.
Ano kayang gusto niyang sabihin sa 'kin?, tanong niya sa sarili habang papasok siya sa tarangkahan ng mansyon.
Ilang hakbang pa lamang ang kanyang nagagawa nang salubungin siya nang humahangos na si Mary Ann.
"Sir Yoseff, kanina pa po kayo hinahanap ni Señorita Victoria."
"Bakit? Ano'ng nangyari sa kanya?"
"Hindi po namin alam ni Grace. Basta kanina pa po siya nagkukulong sa kuwarto n'yo," sagot ni Mary Ann kaya mabilis siyang tumakbo upang puntahan ang kanyang asawa.
Nang makarating siya sa harap ng kanilang kuwarto ay agad siyang kumatok nang malakas at sunod-sunod.
"Aking Victoria, ano'ng nangyayari sa 'yo? Please, buksan mo ang pinto!" giit niya.
Hindi siya sinagot ni Victoria bagkus ay narinig na lamang niya ang paghagulgol nito. Sa sobrang pag-aalala ay naisip niyang puwersahin na ang pagbubukas ng pinto kaya ilang beses niya itong binangga bago ito tuluyang bumukas.
"Victoria, ano'ng nangyayari?!" sigaw niya nang madatnan niyang nakasalampak ang kanyang asawa sa sahig at may bahid pa ng dugo ang suot nitong puting bestida. Kaya mabilis niya itong binuhat at ihiniga sa kanilang kama.
"Yoseff, wala na..." nanginginig na sabi ni Victoria kaya mahigpit niya itong niyakap.
"Sabihin mo kung paano'ng nangyari 'yon sa ating anak," umiiyak niyang pakiusap dahil alam na niya ang posibleng nangyari rito.
"Hindi ko rin alam, Yoseff. Basta nagising na lang ako dahil sa sobrang sakit ng puson ko. Hanggang sa naramdaman kong umaagos na ang dugo sa mga hita ko," paliwanag nito sa pagitan ng ilang paghikbi.
Mas lalo pang sumikip ang kanyang dibdib dahil sa katotohanang tuluyan nang naglaho ang kanilang magiging anak. Halos dalawang linggo pa lamang mula nang malaman nila kay Dr. Veran na tatlong buwan na ang nasa sinapupunan ni Victoria. Pareho silang nasabik na mailuwal na ang kanilang anak subalit mauuwi pala iyon sa matinding kabiguan at pagdadalamhati.
"Bakit N'yo po hinayaang mamatay ang aming anak?" Hindi niya sinusumbatan ang Diyos pero sadyang napakahirap tanggapin ang pagkawala ng kanilang anak.
"Bakit Niya binawi ng maaga ang ating anak?" nanginginig pa ring sabi ni Victoria habang mahigpit pa rin niyang yakap.
"Tahan na, aking Victoria. Napakahirap tanggapin ng mga nangyari pero wala na tayong magagawa," malungkot niyang sabi saka niya hinalikan ang noo at ang mga labi nito. "Kailangang ma-check-up ka uli ni Dr. Veran para masigurong wala nang naiwang dugo sa loob ng matris mo," paliwanag pa niya.
"Pipilitin kong tanggapin ang lahat, aking Yoseff. Pipilitin ko..." Muling humagulgol ng iyak si Victoria kaya muli niyang niyakap ang kanyang asawa upang maramdaman nitong hindi ito nag-iisa sa pagdadalamhati.
ILANG linggong dinamdam ni Victoria ang pagkawala ng kanilang anak kaya wala nang magawa si Yoseff kundi unawain at alagaan itong mabuti. Minsan ay magigising na lamang siya dahil sa mga hikbi ng kanyang asawa. Sa tuwing aaluin naman niya si Victoria ay mas lalo lamang itong hahagulgol sa pag-iyak.
Agad niyang pinaalam kay Dr. Veran ang kalagayan ni Victoria kaya ipinayo nitong mas lalo pa niyang iparamdam ang pagmamahal niya rito upang tuluyang mawala ang sakit nitong post-traumatic syndrome.
"'Wag ka nang malungkot, aking Victoria. Posible pa tayong magkaroon uli ng anak," pag-aalo niya rito na nakatulala pa rin sa kalangitan habang nakaupo silang dalawa sa balkonahe ng kanilang kuwarto.
Marahan niyang hinawakan ang mga pisngi ni Victoria at ihinarap sa kanyang mukha. "Sana maging maayos na ang kalagayan mo. Hindi ko na kakayaning makita kang ganito," malungkot niyang sabi habang nakatitig sa mga mata nito.
Unti-unting tumulo ang mga luha ni Victoria kaya marahan niya iyong pinunasan. "Sorry. Sorry, Yoseff..." bigla nitong sabi bago siya mahigpit na niyakap. "Alam kong nasasaktan ka pa rin sa mga nangyari pero naging makasarili ako nang inisip kong balewala lang sa 'yo 'yon," giit pa nito.
"Tahan na. Wala ka nang dapat isipin pa," sagot niya.
Bumitaw pa siya sa mga bisig ni Victoria at mariing hinalikan ang mga labi nito. Naging marahas ang pagtanggap nito sa kanyang mga halik kaya unti-unti siyang nilukuban ng kakaibang init dahil sa paglalaro ng kanilang mga dila.
"Muli mo akong angkinin, aking Yoseff," malambing pang pakiusap ni Victoria kaya mabilis niya itong binuhat upang muling ipasok sa loob ng kanilang kuwarto.
Muli pa silang naghalikan nang maalab hanggang sa makarating sa kanilang kama at makahiga roon.
"Sandali lang may gusto akong subukan," pigil sa kanya ni Victoria nang magkalas ang kanilang mga labi makalipas ang halos sampung minuto.
"Ano 'yon, aking Victoria?"
Hindi na siya sinagot ng kanyang asawa bagkus ay marahan siyang itinulak nito pahiga sa kanilang kama. Kinuha pa nito ang kanilang dalawang kumot at unti-unting ipinulupot upang maging mga lubid.
"Alam ko na ang gusto mong gawin," nakangiti niyang sabi nang lapitan na siya nito at isa-isang iginapos ang kanyang mga kamay at paa.
Mapang-akit na ngiti naman ang iginanti sa kanya ni Victoria habang unti-unti nitong nilalagyan ng chocolate syrup ang kanyang buong katawan.
"Kunwari isa kang malaking cake, aking Yoseff," malambing pang sabi nito nang malagyan siya ng ilang hiwa ng iba't ibang uri ng prutas, mula sa leeg pababa sa kanyang mga hita.
"Ito huli mong tikman," mapang-akit pa niyang sabi habang marahan niyang hinihimas ang kanyang naghuhumindig na p*********i. "Sa 'yong-sa 'yo lang ako, aking Victoria."
Hindi niya maipaliwanag ang kanyang naramdaman nang simulan na ni Victoria ang pagdila sa kanyang buong katawan. Mula sa talampakan patungo sa kanyang mga hita. Sa leeg, malalapad na mga dibdib at kanyang tiyan. Ilang beses pa siyang napaungol na tila nagdedeliryo nang paglaruan na nito ang kanyang p*********i.
"AKIN KA LANG, YOSEFF!"
Nanlaki ang kanyang mga mata nang biglang sumigaw si Victoria kasabay ang pagkagat nito sa kanyang ari kaya napasigaw din siya sa sobrang sakit.
"Ano'ng ginawa---" Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin dahil sa pagpalo nito sa kanyang ulo. Gulong-gulo ang kanyang isipan dahil sa mga nangyari, na tila napanaginipan na niya noon.
IKAW ay aking obra, Yoseff. Hinding-hindi ko hahayaang maangkin ka ng iba...
Unti-unting iminulat ni Yoseff ang kanyang mga mata nang paulit-ulit niyang marinig ang nanggigil na tinig ni Victoria. Subalit sinalubong siya ng kadiliman kaya ilang minuto pa niyang sinanay ang mga ito upang makaaninag man lang.
"Nasa'n ka, Victoria? Magpakita ka sa 'kin!" sigaw niya nang maalala niya ang mga nangyari. "Ano bang gusto mong gawin sa 'kin?!" giit pa niya.
Nararamdaman pa rin niyang nakagapos ang kanyang mga kamay at paa kaya hindi niya magawang punasan ang kanyang katawang nanglalagkit dahil sa mga inilagay nito.
"VICTORIA!" sigaw niyang muli nang biglang kumirot ang kanyang p*********i.
"Sumigaw ka man nang sumigaw, walang makakarinig sa 'yo, Yoseff," sarkastikong sagot ni Victoria saka malakas na humalakhak pero hindi niya makita kung nasaan ito.
"Bakit mo 'to ginagawa sa 'kin?" Hindi pa rin siya makapaniwala na sa isang iglap ay magbabago si Victoria at masasaktan siya nito. Minahal mo nga ba ako o pinasakay mo lang ako sa panloloko mo?
"Ikaw ay aking obra, Yoseff. Hinding-hindi ko hahayaang maangkin ka ng iba," natatawa nitong sagot kaya muli siyang nanggigil nang marinig niya ang mga salitang iyon.
Subalit unti-unting nanlaki ang kanyang mga mata nang magkaroon ng mumunting liwanag sa kanyang paligid. Mas lalo pang nanaig ang takot sa kanyang sistema nang matunghayan niya ang mga kakaibang obra ni Victoria.
Ilang metro mula sa kanyang kinahihigaan, makikita ang labing-isang kahong gawa sa salamin, na naglalaman ng mga hubad na katawan ng iba't ibang lalaki. Sigurado siyang ilalagay rin siya roon ni Victoria.
"'Wag kang mainip, aking Yoseff. Ilang sandali lang, mapapabilang ka na rin sa koleksyon ko," sarkastiko nitong pagpapatotoo sa kanyang hinala.
"Isang kang baliw, Victoria!" galit na galit niyang sigaw habang nagpupumiglas sa kanyang pagkakagapos.
"Tama ka, Yoseff," sagot ni Victoria na biglang lumabas mula sa pagitan ng dalawang glass cases. Nakasuot siya ang puting bestida, na nalagyan ng dugo nang makunan siya noon.
Agad siyang nilapitan nito at mahigpit na hinawakan ang kanyang ari kaya napaigik siya sa sakit.
"Ano'ng mapapala mo sa pagtatago sa kanila, sa amin?"
"Dahil baliw na baliw ako sa mga ari n'yo," malambing na sabi ni Victoria saka isinubo ang kanyang ari kaya mas lalo pa iyong sumakit dahil sa pagsipsip nito.
"ARAY!" Muli siyang napasigaw nang kagatin nito ang kanyang ari. "Papatayin kita, Victoria!"
"Kung makakawala ka pa rito," panunudyo nito saka humalakhak nang malakas. "Oo nga pala, ako rin ang pumatay kay Amelia," dagdag pa nito kaya lalong nanginig ang kanyang mga kalamnan sa galit.
"Hayop ka talaga, Victoria! Patayin mo na rin ako! Ano pang hinihintay mo?!"
'Nay, patawarin n'yo po ako. Kahit wala na kayo, binigyan n'yo pa rin ako ng babala tungkol kay Victoria pero binalewala ko lang 'yon.
Napaiyak na lamang siya dahil sa pagsisisi. Wala na ring kuwenta ang buhay niya dahil hinayaan niyang mamatay ang kanyang ina. Kung sinunod niya lamang ito noon ay sana pareho silang makakaligtas sa kamay ni Victoria.
"'Wag kang masyadong mainip, Yoseff. Makakasama mo rin sa impyerno ang Nanay mo," giit nito bago dahan-dahang umalis sa kanyang harapan.
"Ikaw ang susunugin sa Impyerno!"
Itutuloy...
©Mysterious Eyes | Xerun Salmirro