Episode 3 The Emotion

2207 Words
Nakikita ni Gian kung gaano ka pursigido ang kanyang amo. Magmula sa opisina ay dumeretso agad sila sa site at talaga namang napahanga ang binata. Palakad-lakad ang dalaga at tinitingnan ang mga gumagawa. "Mag-oovertime tayo hanggang eleven pm para makapagdeliver, kaya ba ninyo?" "Yes Ms.!" Hindi na siya nakatiis kaya nagsalita ang binata. "Ms. Mukhang safe ka naman dito gusto ko sanang tumulong sa kanila." Napalingon si Ellah sa kanya. "Sige kung kaya mo eh!" "Oo naman!" wika niya at lumapit sa isa sa naroon at agad siyang nagbuhat gaya ng iba. Marami pa siyang ginawang tulong sa bawat nakikita niyang nahihirapan. "Salamat," tugon ng taong kanyang tinulungan. "Walang anuman." Maya-maya tagaktak na ang pawis niya sa buong mukha. Nilapitan siya ni Ellah. "Tama na 'yan, hindi mo 'yan obligasyon, baka mapagod ka na hindi mo na ako maipagmamaneho." "Don't worry kaya ko 'to, pero sige para hindi ka na mag-alala pa." Lumakad ito pabalik sa opisina ng site at sumunod siya. "Sobra ang pawis mo, magpunas ka nga!" Binigyan siya nito ng towel. 'Mabait ngayon ha?' "Magmeryenda ka rin may pagkain diyan sa mesa." 'Aba mas bumait pa!' "Since ikaw naman ang tumulong, ang magiging target sales dito ay isang milyon...o bakit?" Muntik na kasi siyang mabulunan sa narinig. "I-isang milyon sa sampung truck na 'yan?" "Yes, pero siyempre may expenses 'yan so more or less seven hundred thousand na lang." "Pero malaki pa rin!" "Medyo, dito ka muna at babalikan ko ang mga tao." "Sige." Ngayon niya nakita ang iba pang parte ng katauhan ng dalaga at mas lalo siyang napapahanga nito. Pero dahil sinabi nito ang isang confidential na bagay ibig bang sabihin ay pinagkakatiwalaan na siya ng dalaga? Napangiti ang binata nang nag-iisa. Wala siyang pakialam kahit magmukha siyang timang! --- "Ladies and gentlemen, our sales for this month is three million, less over all expenses we got two million and five hundred thousand plus!" paliwanag ng financial manager. Nagpalakpakan silang lahat. Tuwing katapusan ng buwan ay nag mi-meeting sila para sa report pero ang naroon lang dapat ay puro opisyal. Iba rin 'yong meeting sa mga staff. Maya-maya lang ang nag report ay ang Marketing manager naman. "Three days ago, alam nating nasa mahirap tayong sitwasyon pero naibigay pa rin natin ang gusto ng BMG plant kaya nagrelease sila ng panibagong kontrata and good news dahil mas matagal na kumpara noon. We got the contract for six months!" Muli na naman silang nagpalakpakan. Sumunod ang production manager. "Sa ngayon wala na tayong alalahanin tungkol sa produkto dahil nakuha natin ang kontrata sa GMC ng three precent at bukod doon, nakakapag stock na tayo ng almost one hundred tons daily mula sa ating sariling produkto kaya good news para sa atin." Muli na namang nagpalakpakan ang lahat. Marami pang sumunod na nagreport at ng matapos ay siya na ang pinakahuling nagsalita. "I am very thankful for your cooperation, for the efforts and determination, ofcourse kung hindi tayo nagtulong-tulong o kung hinayaan niyo akong mag-isang gumawa ng lahat baka bumigay na ako. Walang imposible sa atin, lahat kaya natin dahil sa ating pagmamahal sa kumpanya, at dahil diyan pinasasalamatan ko kayo ng husto, alam kong sa susunod na darating na pagsubok kung sakali man alam kong kaya nating lampasan ito. Kaya maraming salamat sa inyong ginawa, ladies and gentlemen,... without you I am nothing!" Masigabong palakpakan ang kanyang narinig. "At dahil diyan, I will treat you a dinner tonight are you okay with that, guys?" "Yes Ms.!" --- Kinagabihan lahat ng staff ng kumpanya at maging ang ibang opisyal ay nasa isang grill restaurant at masayang nagkainan. Natutuwa ang dalaga sa kanilang mga naabot. Kahit isa siyang babae hindi iyon hadlang para hindi niya magawang hawakan ang negosyong panlalaki. Kunti man sila pero marami silang nagagawa. Ito ang nagustuhan niya sa mga empleyado nila, nagtutulungan at nagkakaisa. "Guys, I forgot to tell you na may tumulong sa atin para makuha ang three percent." Napalunok si Gian. "Oo nga Ms. Sino ba siya?" "You won't believe it pero walang iba kundi si Gian," nilingon niya binata. Napatingin ang lahat dito. "Really? Kung ganon may potensiyal kang maging empleyado ng kumpanya pare?" "Salamat," sagot naman nito. "Oh, nakalimutan kong ipakilala, si Gian Villareal ang bago kong bodyguard." Binati naman ito ng lahat. "Oy, Gian ikaw ha, may itinatago ka palang galing ha?" wika naman ng isang babae. "Hindi naman." Marami pa itong narinig na mga papuri, pero napapansin niyang panay lang ang yuko nito. Napangiti siya, marahil ay hindi rin ito sanay na pinupuri ng iba kagaya niya. Tumayo si Ellah hawak ang isang basong may inumin. "Guys, alam kong stress kayo at pagod kaya mag-inuman tayo cheers!" "Cheers!" Sabay nagpingkian ang mga baso at sabay-sabay silang uminom. Nagpang-abot ang kanilang paningin ng binata at kapwa napapangiti. Nilagyan niya ito ng pagkain sa plato. "Kumain ka pa, sa laki ng ibinaba mo sa presyo kahit araw-araw tayong mag fiesta ay ubra. " Nagtawanan ang lahat. "O, walang mahihiya, kain lang ng kain ha, treat ko 'yan!" "Yes Ms.!" Sagot ng lahat. Matagal bago natapos ang kasiyahan. Tumayo lang ang dalaga nang maramdaman niyang nahihilo na siya. "Paano 'yan kanya-kanya muna tayo. Mag-iingat kayo sa pag-uwi. Gentlemen, pakihatid ang mga ladies." " Yes Ms. " "Kayo rin Ms. Ingat kayo!" Tinapik ng isang opisyal sa balikat si Gian. "Pare, ingatan mo 'yang boss natin ha?" "Makakaasa ho kayo." "Ah, si Mr. James Valdez, ang production manager. " pagpapakilala ng dalaga. "Gian Villareal, sir." "Kilala na kita, madali kong natatandaan ang mga malalapit sa boss natin." Tipid na ngumiti ang binata. "Hindi na kami magtatagal ha, maraming salamat," wika ni Ellah. Inalalayan siya ni Gian dahil pakiramdam niya nahihilo na siya. "Marami pong salamat Ms. " tugon ng lahat. Habang papalabas sila ay nakapikit siya. Pakiramdam ng dalaga umiikot ang paligid niya kaya napasandal siya sa balikat ng binata habang naglalakad patungo sa parking lot. "Ms. Kaya mo bang maglakad?" "Kaya ko pero 'wag mo akong bibitiwan." "Hindi 'yon mangyayari." Hinahawakan siya nito sa magkabilang balikat para hindi siya matumba, hanggang sa nakarating sila sa kotse. Pinagbuksan siya ng binata ng pinto saka dahan-dahang inalalayan papasok sa loob. "Ms. Mag seatbelt ka." Napasinghap ang dalaga sa ginagawa ng binata. Para kasi siyang yayakapin nito kahit hindi naman. Kinukuha lang nito ang belt mula sa kanan. Malapit ang kanilang mga mukha na parang hahalik sa kanyang mga labi kahit hindi naman. Ikinakabit lang nito sa bandang kaliwa. Naipikit niya ang mga mata. Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Gian kaya napadilat siya. "Why?" "Nothing." Nakahinga siya ng maluwag nang matapos na ito. Umikot sa kabila ang binata at nagsimulang magmaneho. Ngayon lang niya na realize ang ginawang pagpikit habang magkalapit ang kanilang mga mukha. Nagmukha kasing naghihintay siya na mahalikan! Hiyang-hiya siya sa nagawa. Paano na lang kung sinamantala nito ang pagkakataon? Bahagya siyang tumingala at isinandal ang ulo sa upuan. Marahan niyang kinagat ang pang-ibabang labi bago pumikit. Huminga ng malalim ang binata pero hindi nagsalita at nakatutok ang mga mata sa daan. Mas kinagat pa niya ang labi dahil sa nararamdamang hiya. "Stop that please?" Napalingon siya. "Huh?" "Stop biting your lip." Tuluyan na siyang lumingon dito at tinigil ang ginagawa. "Why?" Curious niyang tanong. "It seems you're seducing someone." "Oh!" Humalukipkip siya. "Hindi ko iniisip 'yon." "Of course." Natahimik silang dalawa. "Mr. Villareal." Nilingon siya ni Gian saglit at muling tumingin sa daan. "Kung sakaling gusto mong magtrabaho sa kumpanya sabihin mo lang." "My job is enough, sapat na sa akin na protektahan ka at pagsilbihan." "Ikaw ang bahala." Hindi na nagsalita ang binata. Hindi na rin umimik ang dalaga at ipinikit ang mga mata. --- Sinulyapan ni Gian ang katabi. Napapangiting napapailing ang binata. Wala man lang itong kaalam-alam na sa ginagawa ay nang-aakit na. Mapupungay pa naman ang mga mata dahil sa tama ng alak. Mabuti na lang nasa wastong pag-iisip pa siya kanina. Naalala niya ang nangyari sa restaurant. Sa kauna-unahang pagkakataon tinawag siya nito sa kanyang pangalan at aaminin niyang nagustuhan niya 'yon. Hindi siya makapaniwala na ganito pala magdala ng tauhan ang dalaga, kaya siguro naging General Manager ito hindi lang dahil sa apo ng presidente kundi talagang karapat-dapat ito sa posisyon. Nakikita niya ngayon si Ellah bilang isang magaling na business woman! --- Lumipas ang ilang linggo ganoon palagi ang kanyang trabaho. Kahit papaano marami-rami din siyang natutunan. "Good morning Ms." bati ng sekretarya nito. "Ms. sa labas lang ako," singit niya sa usapan ng dalawa. Nilingon siya nito, "Ayaw mo bang pumasok?" "Bakit hindi?" Tipid na ngumiti ang dalaga at napansin niya 'yon. "Wow!" Inilibot niya ang tingin sa loob ng pribadong opisina nito. Napakalaki at napakaganda. Naupo na siya sa isang sofa paharap sa dalaga. At nakikita niyang sobrang abala ito sa trabaho. "Baka may maitutulong ako sabihin mo lang." "Hindi na, huwag ka na lang maingay," tugon ni Ellah habang pumipirma. Naglibot-libot pa ang binata, habang nakatingin sa salaming ding-ding. Tanaw niya ang mga sasakyang dumadaan sa ibaba at ang ibat-ibang gusali sa paligid. Maya-maya nagpaalam siya sa dalaga. "Bababa lang ako Ms." "Sige." Unti-unti na siyang napapahanga nito sa lahat na yata ng aspeto. Wala itong pinababayaang empleyado, strikto lang ito sa trabaho pero malambot sa mga may nangangailangan. Kaya napagpasyahan niyang bilhan ito ng pang meryenda. Saglit lang bit-bit na niya ang pagkain at muling bumalik binigyan niya ang sekretarya nito. "Naku nakakahiya naman sa'yo Gian, pero sige salamat ha," nakangiti nitong tinanggap ang kanyang ibinigay. Maganda ang sekretarya nito, maiksi ang buhok, payat pero hindi kasing-tangkad ng dalaga. Kumatok siya sa private office ni Ellah. "Come in." Pumasok siya at nilagay ang binili sa gilid ng mesa nito. "What's that?" "Ah, Ms. Pang meryenda." "Sige salamat pero hindi ka na sana nag-abala pa." "Busy ka sa trabaho kaya nakakagutom 'yan." "Oh, mamayang seven pm. Pwede ka pa bang magtrabaho sa akin?" "Sure Ms. hanggang gabi pala ang meeting mo?" "No, actually it's a date." Naglaho ang saya sa kanyang anyo. Napatiim-bagang ang binata sa narinig. "K-kung ganon may date ka?" "Yes so don't be late okay? Blind date ito si lolo ang nag set-up, ayoko sanang pumunta kaya lang magagalit si lolo." "Sabihin mong busy ka maraming trabaho, bakit hindi 'yan sabado o kaya ay linggo?" "Actually sinabi ko na 'yan pero ang sagot ni lolo, napakabusy din daw nito dahil kahit linggo nagtatrabaho, president kasi siya sa company nila, kaya ngayon lang daw may panahon." "Ganon ba? Gusto mo bang pumunta? O sinusunod mo lang ang lolo mo?" Umaasa ang binata na ang pangalawa ang isasagot nito. "Both." Parang bigla siyang nawalan ng gana. "Sa labas lang ako Ms." "Sige." Nang nasa loob na siya ng kotse hindi mapigilan ng binata ang manghimutok sa sarili. "Damn it! Presidente? Ano bang panama mo doon ha?" kausap niya ang salamin. "Both? Ibig sabihin gusto niya talaga! Talaga naman! Kung naging mayaman lang sana ako!" Itinulog na lang niya ang lahat. Hanggang sa magising siya at papauwi na ito. "Nandito na ang babaeng pinapangarap ko lang pala!" Binuksan niya ang pinto. "Saan po tayo?" "Uuwi na" sagot nito. Ngayon niya ilulugar ang sarili, napagtanto niyang siya ay isang hamak na tauhan lang! At napakataas ng kanyang pinapangarap, lumilipad ito samantalang siya ay gumagapang! Wala silang imikan habang nagbabyahe. "May problema ka ba?" "Wala." "Wala pero ganyan ka? Tell me is it about money?" "Hindi lahat ng problema ay tungkol sa pera palibhasa ipinanganak kang mayaman." "Ano nga ang problema mo?" "Wala kang maitutulong so please manahimik ka na lang." "Hindi ako sanay na ganyan ka, palagi kasi kitang nakikitang masaya." "Pasensiya na po Ms. Ellah." "Napansin ko panay ang po mo, sobra ka naman yatang magalang?" "Kailangan po 'yon dahil boss ko kayo nararapat ko lang po 'yong gawin." "O sige, ikaw ang bahala kung 'yan ang gusto mo, but make sure okay ka na mamaya." Huminga siya ng malalim. "Dapat po kayong igalang dahil sa inyong kabutihan, napakabait niyo po kasi sa lahat, hindi lang 'yon matulungin pa sa kapwa." "Mr. Villareal I told you before I don't want any flattering words!" sigaw na ng dalaga. "But you force me to do it! You said before you don't want a liar. I'm just telling you the truth!" Katahimikan. Wala silang imikan matapos itong ihatid pauwi. "Kung hindi okay sa'yo mamaya sabihin mo lang." "Okay lang ako." Nakauwi siya ng bahay at humiga sa kama. Tumunog ang kanyang cellphone. Si Vince tumatawag. "Bakit pare may problema ba sa opisina?" "Wala naman, itatanong ko lang kamusta na? Inlove ka na ba?" "Ano?" "Naks! Pare ang tono ng boses mo ay parang nagsasabing oo, pare ano na, in love ka na hindi ba?" "Sira ka talaga!" "Aamin na 'yan." Tumawa lang siya.  "Pare, huwag mo ng pakawalan dahil kapag napasa'yo 'yan daig mo pa ang nanalo sa lotto kahit hindi ka tumataya!" "SIra!" muli siyang natawa. " Sige na busy pa ako." "Sige pare, pagbutihan mo ang trabaho," pangangantyaw pa nito. Naghanda si Gian, hindi na siya masyadong poporma ngayon, hindi naman siya ang ka date nito. Kumain siya, nagtoothbrush, naligo at nagbihis ng simpleng t-shirt na may itim na jacket at jeans. Nagpabango at nagsuklay sa harap ng salamin. "Gwapo ka nga pero wala ka namang panama!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD